10
"Buti magaling na ang braso mo," sabi sa akin ng isang kasamahan ko sa pagawaan ng sipit pagpasok ko.
"Oo nga po." Mas matanda siya sa akin at mas matagal na rin dito. Nasa 40s na rin ata siya kaya minsan ay 'nanay' na rin ang tawag namin sa kanya. At kahit iyong mga ka-edaran niya rito ay nanay na rin ang tawag namin. Hindi na kami nakapag-usap ulit dahil dumaan iyong supervisor at pinapanood kaming lahat.
Mababait naman ang mga katrabaho ko rito kaya nga lang ay hindi ko gaanong nakaka-close dahil hindi naman ako nakakasama kapag may mga gimik sila dahil nga rumaraket pa ako noon pagkatapos dito. Paminsan-minsan ay nakakausap ko sila at hindi ko naman nararamdaman na out of place ka sa kanila. Sadyang hindi nga lang talaga kami close.
Pinatunog ko ang mga daliri ko dahil nangangalay na ang mga kamay ko. May parang plais kasi kaming ginagamit para makabit iyong ring doon sa mismong mga sipit para magdikit sila. Mahirap lang kasi matigas iyong bakal kaya kailangan ng kaunting pwersa. May maliit na kalyo na nga ako sa kamay dahil sa tinagal ko rito. Tatlo kaming nagtutulong-tulong sa isang station para mabilis. Bale grupo-grupo kami. Maayos naman ang pasahod. Hindi ganoon kalaki pero at least, legal.
Nagtuloy na ulit ako sa ginagawa dahil ilang sako pa ng sipit ang kailangan naming punuin. Mala-matanglawin na rin sa amin ang supervisor na akala mo ay kukupad-kupad pa kami sa lagay na 'to. Halos mamula na nga mga kamay namin para lang mabilis kami.
Wala kaming break at uubusin lang ang oras hanggang sa end ng shift mamayang 12 pm. Nasa tatlong sako ang napuno namin tatlong magkakatulong. Nang mag-alas dose na ay nagpalitan na para sa mga panghapon shift habang nag-stay naman iyong iba na full time rito.
"Jeorge, sama ka sa 'min birthday ko!" ani ng isang lalaking kasamahan mo na halos kasing edad ko lang din.
Bubuka pa lang ang bibig ko ay sabay-sabay nang nagsalita ang iba pa naming kasamahan.
"Pass…"
Natawa ako habang naiiling. Laging ganoon kasi ang sagot ko sa kanila kaya alam na nila ang isasagot ko ngayon.
"Huwag kang mag-alala, isasama kita sa prayers ko. Happy birthday!" bati ko na lang at kinawayan na lang sila habang pasakay ng tricycle. Ako naman ay dumiretso muna sa canteen nitong pagawaan para kainin iyong pinabaong tanghalian sa akin ni Ate Helen para hindi na ako bibili. Dito na ako kakain para diretso na ako mamaya sa jewelry shop.
Minsan nga lang ako makakain dito dahil dati, diretso agad kami ni Resty sa palengke o 'di kaya sa may simbahan kaya hindi na ako nakakakain. Mabuti na lang talaga at wala na ako do'n. Kahit paano ay hindi na ako pinipilit na magpunta ng hideout. Pwera na nga lang kung hinahanap ako ni Boss M. Pero ngayon ay hindi naman.
Mabilis lang akong kumain tapos ay nag-toothbrush na rin. Sumakay na ako ng tricycle papuntang Binondo. Tiningnan ko ang oras at walang pang 1 pm kaya nag-decide akong tumambay na muna roon sa parlor nina Baks. Makiki-aircon lang talaga ako do'n.
"Ay himala, napadpad ka rito." Salubong sa akin ni Baks pagpasok ko. Binati rin ako ng mga kasamahan niya na nakakausap ko rin naman kapag nandito ako. May iilan silang customer kaya abala at hindi pa ako machika.
"Wala pang ala una e."
Kumuha na ako ng upuan at naupo sa gilid niya. May customer kasi siya na nagpapakulay ng buhok kaya chichikahin ko siya habang nagtatrabaho. Mabait naman ang mother beks (iyong may-ari) nila rito kaya ayos lang na paminsan ay may dumalaw na kaibigan basta't maayos pa rin ang trabaho.
"Hija?" Nagulat ako nang balingan ako ng customer ni Baks. Based on his looks and the way he speak, you can already say that he's a gay. Dagdag pa ang kolorete sa mukha at scarf sa leeg niya. Doon ko lang iyong napansin nang humarap siya sa akin.
BINABASA MO ANG
She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)
RomanceVILLAIN SERIES #2 (COMPLETED) Maling taong nanakawan. Josefina Marie Georgel Guerrero is a thief wandering around the city. What would happen if her last victim would be her target for the next mission given to her - to steal the magic lamp? Would...