37
"I think you should go abroad."
I wasn't able to suppress a frown.
"You think, Abuela? I mean, suggestion mo lang po ito?"
"Yes," she answered nonchalantly. "Think of it."
Napakurap-kurap pa ako. Si Abuela iyong tipo na kapag may sinabi, final na 'yon. Kaya kagulat-gulat sa akin na binibigyan niya pa ako ng choice ngayon. Akala ko ay ipapatapon na lang ako sa ibang bansa e.
Ngumiti ako sa kanya. Parang butihing apo lang ah.
"Sige po," sagot ko.
Nagtaas ito ng kilay. "What?"
I sighed.
"Payag po ako."
Sumimsim siya sa tea niya habang sinusuri pa ako. Nasa rooftop kami at sinamahan ko si Abuela na mag-relax dito kaya napag-usapan ang bagay na ito. Isang buwan na rin ang nakalipas nang makulong nang tuluyan si Ruis Alarcon. Halos isang buwan na rin nang… hindi na ulit kami nagkita.
Bahagyang nanliit ang mga mata ni Abuela sa akin.
"May ginawa ka bang hindi ko magugustuhan kaya nagpapakabait ka ngayon?"
Gusto ko sanang ilingan na lang pero hindi ko pa naman nakakalimutan kung sino'ng kausap ko. Ngumiti na lang ulit ako.
"Wala po. Tingin ko lang po ay magandang idea nga ang umalis. Pinag-iisipan ko rin po ito nitong nakakaraan," paliwanag ko.
Ayaw na ni Grant na magtagpo pa kami ng landas. Kaya ako na ang gagawa ng paraan. Pinili ko naman 'to. Paninindigan ko na. Kahit gustong-gusto ko na siyang makita ulit, hindi ako magpapakita. Kaya kapag nakaalis na ako, kahit anino ko hindi na niya makikita. Para sumaya na siya ulit. Para mabuo na siya ulit. Kasi wala na ako.
"Well then, tell that plan of yours to your Mom first. Ang sabi ko Georgel, pag-isipan mo." She told me as if not liking the fact that I decided that fast.
Tumango na lang ako at sabay na naming inubos ang inumin. Bumaba na rin kami dahil magpapahinga na si Abuela habang ako ay dumiretso kay Mama na nagluluto sa kusina.
Hindi ko rin alam sa pamilya ko kung bakit hindi na ako pinaulanan pa ng tanong ng kung bakit hindi na pumupunta si Grant dito. Maliban kay Isaac, malamang. Hayop 'yon e.
"Ma," sabi ko at lumapit sa gilid niya. Nasa may kalan siya at hinahalo ang niluluto.
"Anak, gutom ka na? Malapit na ito." Sumulyap siya sa akin at ngumiti. Umiling naman ako.
"Hindi pa naman Ma pero kakain ako pagluto," sagot.
Natawa siya. Naupo na lang ako doon sa high chair sa kitchen island habang naghihintay na maluto iyon. Nang matapos ay si Mama na mismo ang magsandok ng kanin at noong cream of mushroom na niluto niya. Nagsandok din siya ng kanya kaya sabay kaming kumain.
"Ma," tawag ko ulit nang makailang subo na ng pagkain.
"Bakit feeling ko kakaba-kaba 'yang sasabihin mo?" Ngumuso ako at medyo natawa. "What is it?"
"Kasi Ma 'di ba ano…" I trailed off. Sabihin ko na lang ba na gusto kong maging OFW? Baka ma-gets na ni Mama.
"What is it, Jeorge? Mukha kang aamin sa kasalanan," halakhak na sabi ni Mama. Nanguso lang lalo ulit ako. "Come on. Sabihin mo na."
"E kasi Ma no'ng nakaraan naisip ko lang na kung okay kaya na ano… sa ibang lugar muna ako? Para ibang environment gano'n? Pero Ma, promise 'yong naisip kong lugar sa New York, Cubao lang pero si Abuela sabi abroad daw!" I sounded like a defensive shit.
BINABASA MO ANG
She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)
RomanceVILLAIN SERIES #2 (COMPLETED) Maling taong nanakawan. Josefina Marie Georgel Guerrero is a thief wandering around the city. What would happen if her last victim would be her target for the next mission given to her - to steal the magic lamp? Would...