Chapter 18

87 11 2
                                    

18

I didn’t promise that on the spur of the moment. Hindi ko rin naman iyon pinag-isipan talaga. Pero ang alam ko lang, tutupad ako. Hindi ko alam kung sa paanong paraan pero tutupad ako. Kasi alam kong kaya niyang makuha iyong title. Alam kong makikita ko iyong ‘Atty.’ sa pangalan niya balang araw.

My phone vibrated. Nakahiga na ako sa kama nang makita ang text ni Grant.

S4ntino:
Nakauwi na.

Hinatid niya ako kanina hanggang sa eskinita namin. Gusto pa sana niyang ihatid ako hanggang dito mismo sa bahay kaso ang sabi ko ay kukulitin lang siya noong dalawa. Mag-aaral pa siya kaya baka matagalan lang.

Ako:
(2)

Mabilis dumating ang reply niya.

S4ntino:
Wow, effort mag-type. Tnx ha.

Nailing na lang ako bago nilagay sa lamesa sa gilid ang phone ko. Hindi na ako nag-reply at nakatulog na agad dahil napagod ata ang mata ko kakabasa kanina. Sa susunod hindi na ako makikibasa. Lalamon na lang ako.

"Ate Helen? Aga mo ah," sabi ko nang makita siya sa kusina pagbaba ko. Nakabihis na ako at nagsusuklay ng buhok.

"Ipagluluto sana kita ng almusal."

"Naku, huwag na Ate. Nagkape na ako kanina."

"Tatagal ka ba no'n?"

"Ayos lang Ate. 'Tsaka paalis na rin ako. Kain na lang ako mamayang hapunan." I kissed her on her cheek before I left. "Tulog ka na ulit, Ate!"

Madilim pa nang makarating ako sa unit ni Grant. Maaga ulit ako ngayon dahil 7 am ang pasok niya. Hangga't maaari talaga ay ayokong maglinis sa condo niya ng mag-isa. Nararamdaman ko na may tiwala siya sa akin pero ayoko ng abusuhin. Ayoko ng sagarin.

"Morning," he said, almost in a husky voice.

Halatang kagigising lang dahil magulo pa ang buhok at nagkukusot pa ng mata nang pagbuksan ako. Magulo rin ang pagkakasuot niya ng puting t-shirt, mukhang nagmadali na naman para pagbuksan ako. Napalunok ako dahil parang nanuyo ang lalamunan ko.

"Good morning," bati ko pabalik at nilapag na ulit sa sofa ang bag ko. Pareho kaming dumiretso sa kusina. Siya para magluto at ako para sa vacuum. "Linis na ako."

"Alright. I'll cook breakfast."

Tumango ako at naglinis na. Hindi ko matagalan na tingnan siya. Alam ko namang may itsura talaga siya pero bakit iba iyong dating kapag bagong gising? Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.

Hayop, Josefina Marie Georgel! Nababaliw ka na ba?

Pinilig ko ang ulo sa naiisip. Nagligpit muna ako sa sala bago nag-vacuum sa buong unit. Sunod ko namang vinacuum ang mga kwarto pati ang sa kanya. Nag-mop na ako pagkatapos. Pinalitan ko rin ang mga bedsheets at nilagay sa malaking laundry box iyong mga maruming pinagpalitan. Pati iyong mga kurtina ay pinalitan ko na rin.

"Ipapa-laundry ko ang mga 'yan kaya hindi na ikaw ang maglalaba."

Nilingon ko siya na ngayon ay nakahilig sa pintuan ng kwarto niya. Bumaba ako sa tinungtungang bangko nang magpalit ng kurtina sa kwarto niya at kinuha iyong maruming kurtina.

"Bakit? Kaya ko labhan 'to." Pagyayabang ko.

"Nah, it's fine. You clean the whole unit so it's enough."

"Okay? Pang 5K na ba ang cleaning service ko?" Nagtaas-taas ako ng kilay at nangisi.

"Oo na…" He said. "Kain na. Naluto ko na," aya niya sa akin kaya sumunod na ako sa kanya palabas.

She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon