Chapter 49

104 13 0
                                    

49

"Pakiabot naman no'n, Jeorge!" tarantang ani ng isang kasamahan.

"Okay!" Mabilis kong kunuha ang tinukoy niyang envelope at binigay. Halos patakbo na siyang umalis dahil may nagaganap na meeting sa conference room sa taas.

Bahagyang magulo at taranta rin ang ibang kasamahan ko dahil sa meeting mamaya. May iilang kailangan baguhin sa presentation at last minute na dahil ang akala ay sa makalawa pa. Nagkaproblema sa parte ng ka-meeting. Kaya naman abala na rin ako sa kung anumang tulong na hinihingi nila. Kadarating ko pa lang ay tumulong na dahil nagkakagulo.

"Oh my gosh." Lumapit ako sa babaeng kalapit ng cubicle ko.

"Anong problema?" tanong ko.

"Wala pa palang copies nito," aniya.

"Ako na." Kinuha ko na iyon.

"Thank you!"

Minanipula ko ang photocopy machine at gumawa ng copies na ayon sa bilang na sinabi niya. Nang matapos ay inabot ko rin. 

Nagmamadaling lumapit sa akin si Mrs. Sagyo at may pinahanap na isang file sa palumpon ng mga papel.

"Pakibilisan," utos niya at nawala sa harap ko para asikasuhin ang naunang ginawa sa opisina.

Mabilis kong inisa-isa ang mga papel at medyo napre-pressure na rin dahil hindi mahanap at nadadala pa sa pagpa-panic ng mga tao rito. Halos malaglag ang phone ko dahil sinubukan kong kunin nang mag-vibrate.

S4ntino:
Good morning!

S4ntino:
Nandito na si Atty. Mercado pero aalis din ng 9pm.

Namilog ang mga mata ko at agad tumingin sa oras. 8 pm na. Isang oras lang si Atty. sa firm?! Dali-dali kong tinago ang phone at mabilisang hinanap ulit ang file na sinabi ni Mrs. Sagyo. Kaya lang ay halos tatlumpung minuto na ay hindi ko pa rin mahanap!

Panay ang baling ko sa orasan sa may dingding at mas lalo lang natataranta.

S4ntino:
Makakapunta ka ba?

Mabilis akong nagtipa.

Ako:
Oo! Sandali lang.

Nang sa wakas ay makita ko ang sinasabi ni Mrs. Sagyo ay inabot ko agad sa kanya at nagpaalam na rin na aalis para sa firm.

Bumalik ako sa mesa at nasulyapan ang oras. Fifteen minutes na lang at 9 pm. Kaya naman madali kong binuksan ang drawer ng lamesa kung saan ko huling natandaang nilagay ang file at kinuha ang folder.

Patakbo na ako palabas. Mabuti at may available na driver ang kumpanya kaya agad na kaming tumulak paalis. Sa pagmamadali ay dumiretso na ako sa elevator at umakyat sa floor ng firm. Agad napansin ni Grant ang pagpasok ko kaya lumapit sa akin.

“Akala ko hindi ka na makakapunta,” aniya.

Tumango ako dahil hinihingal pa.

“Si Attorney?” Hingal pa ring tanong ko.

Giniya niya ako sa opisina nito. Sinalubong naman ako ng sekretarya at kalaunan ay pumasok na rin sa loob. Silang dalawa ay pumasok din.

“Good morning po,” bati ko kay Atty. Mercado. Kita ko na ang puti niyang buhok at iilang kulubot sa mukha pero kahit na ganoon ay matikas pa rin ang dating.

“She’s the representative from Mr. Gomez.” anang sekretarya.

Tumango-tango ang seryosong abogado pero ngumiti rin naman sa akin at ganoon din ang ginawa ko. Mukha naman siyang mabait pero seryosong-seryoso.

“I’ll just take this call, Attorney.” Lumabas ang secretary nito para sa tawag.

“Papapirmahan lang po sana ang files na kailangan ni Isaac,” sabi ko naman.

She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon