Chapter 41

106 12 0
                                    

41

Halos nanigas na ako sa kinatatayuan habang paulit-ulit na nagmumura sa isip ko. Ito iyong bagay na pinaka-ayaw kong mangyari tapos ito iyong unang mangyayari pagdating ko?! Bakit naman po ganito, Lord?

Diretso lang ang tingin ko kaya nakikita ko sa harap ang repleksyon naming dalawa. Walang emosyon akong nakatayo sa gilid niya. Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil mas matangkad siya sa akin at hindi ko na sinubukan iangat pa ang tingin ko. But it was fucking clear in my sight how he stood there with so much masculinity. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya na bumalot sa buong maliit na elevator na ito.

Pinilig ko ang ulo ko dahil mas naisip ko pa talaga iyon kaysa sa fact na nagkita kami ulit ngayon? At talagang sa elevator pa't walang tao?

Gusto kong magdabog dahil bakit parang napakabagal naman ata ng oras sa elevator na 'to?! Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ni hindi ko ito napaghandaan! Dahil kahit kailan ay hindi ko naman inisip na magkikita kami at determinado naman akong iwasan siya. At hindi ko rin inasahan na magkikita kami rito!

Kumakabog ang puso ko sa buong oras namin sa elevator at wala ni isa sa amin ang nagsalita, parehong hinihintay lang ang pagdating sa tamang palapag. Nang sa wakas ay tumunog na ang elevator ay para akong nabunutan ng tinik dahil makakalabas na.

Bumukas ang elevator at halos sabay kaming humakbang palabas. May kung anong kuryente pang dumaloy sa akin nang magkabungguan at nagtama ang mga braso namin paglabas. Napaangat ang tingin ko sa kanya. He's also looking at me but I avoided his gaze. Para kong nahigit ang hininga nang tumingin siya! Nang makalabas ay tutuloy na sana ang lakad ko kaso lang ay nagsalita siya.

"You go first."

Halos tumindig ang balahibo ko nang marinig ang boses niya. Kanina pa ako kabado at muntik na atang manginig ang tuhod dahil nagsalita siya. Ang akala ko kasi ay hindi niya ako kakausapin hanggang sa makalabas kami kaya gulantang pa ako nang nagsalita siya.

Doon lang ako tumingin sa kanya at mas napagtuonan ng pansin. He's hair is in a clean cut. Ganoon pa rin ang itsura niya pero mahahalatang may nagbago. He looked more mature. Mas tumangkad din siya and at mas lumaki ang pangangatawan. 

Pero kung talagang may nagbago? Iyon ay kung ano ang aura niya sa akin ngayon. He doesn't seem as welcoming as before. Parang ayaw pa nga akong kausapin kung hindi lang kailangan.

"Huh?" Iyon lang ang nasagot ko.

He's still looking at me with his cold eyes.

"Hindi ba doon ka rin party ng Abuela mo papunta?" He asked with his casual tone. Tango lang ang naisagot ko. "Then you go first. You don't want the people and the media to catch us arriving together."

My lips parted a bit after the realization but I was quick to compose myself again. Kung ganoon ay ayaw niya pala na makita kaming magkasama. Issue nga naman iyon.

Inayos ko ang sarili ko. Nakakahiya naman kung magkalat ako sa harap niya. Dapat ay umakto tayo ng tama dahil iyong part ng pagpapakita mo ay hindi na tama! Kahit iyon na lang.

"Okay," I answered and looked at the hallway. Kaswal pa rin siyang nakatingin sa akin bago ko ulit binalingan. "Mauna na ako," iyon lang ang sinabi ko at tinalikuran na siya para maglakad paalis.

Hindi ko nga lang alam kung bakit tumigil ako at nilingon siya ulit. Nang lumingon ako ay bumagsak ang mga mata niya sa dibdib ko kaya natanto kong sa likod ko siya nakatingin no'ng nakatalikod ako. Nakakunot ang noo pero binalik din sa dating kaswal nang lumingon ako ng tuluyan. Agad din naman niyang inangat ang tingin at nagtama ulit ang mga mata namin.

She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon