09
S4ntino:
Taft Ave. 4 pm 😚Napairap ako dahil sa emoji niya. Kapag sa kanya galing, halatang nangba-badtrip lang. Saya lang nito kasi magkakapera galing sa akin e. Paano naman ako? Sawi? Pighati? Butas bulsa?
Awit pala.
Pinatay ko na lang ulit ang phone ko para hindi na siya makatawag at makatulog na ako ulit. Wala naman akong pasok ngayon kina Mrs. Feng kaya ayos lang na tanghali na akong gumising.
Nagising lang ako ng mga bandang 9 am. Binuksan ko ulit iyong text ni Grant para makasigurado sa location.
Hayop na iyan. Taft Ave. lang nakalagay? Ano 'yon susuyurin ko buong Taft para sa kanya? Bahala siya diyan. Kapag ako naligaw humanda siya.
"Aga ah," sabi ko kay Baks nang maabutan ko sa baba at kumakain na rin. Tumabi ako sa kanya tapos ay kumain na rin.
"Aba syempre! Na-miss ko 'tong si Tatang Dominador," sabi niya kaya natawa si Tatang na mas maaga pang nagising kaysa sa akin.
"Kuya Aki, ikaw po ulit ang Mama namin? May gatas ka na po?" tanong ni Maccoy kaya halos mapabuga ako ng sinubo kong kanin nang marinig iyon.
Si Tatang at Ate Helen naman ay parehas ding natawa.
"Anong tinuturo mo sa mga 'to?" Mahina ko siyang binatukan habang siya naman ay awkward na nakangiti.
"Feel na feel ko lang naman maging acting mother habang bantay nila!" paliwanag niya.
"E bakit may gatas?" Natatawang tanong ni Tatang. Katabi niya si Ate Helen dahil inaalalayan din siya sa pagkain.
"Kasi sabi po ni Kuya Aki mag-breastfeed daw kami. May gatas ka na po sa 'yo Kuya Aki?" Inosenteng sabi ni Jimboy.
"Aray," angil ni Baks nang kurutin ko siya sa tagiliran niya. "Nako! Huwag na kayong maghintay ng gatas dahil kahit pigain 'to, walang ilalabas. Mamumuti na mga mata ninyo kahihintay."
Mukha namang nalilito iyong dalawang makulit sa kung ano-anong pinagsasabi nitong si Baks.
"Kung ano-anong kalokohan mo, Aki." Natatawa pa ring sabi ni Ate Helen.
"Ligo lang po ako ah," paalam ko sabay inom ng tubig nang maubos ko na ang pagkain ko.
Umakyat na ako sa taas para maligo. Nagsuot lang ako ng white shirt na may kaunting print sa harap at ripped jeans tapos ay sinuot na iyong sneakers ko. Hindi naman ako nahirapang mamili ng sapatos dahil isa lang naman 'yon. And that's the perks of being gipit. Nagsuklay lang ako at kinuha na ang bag tapos ay bumaba na.
Naabutan ko si Ate Helen at Baks na inaalalayan si Tatang sa pag-upo sa sala. May sarili kasi siyang upuan doon na mas malaki para kumportable siya. Tumulong na rin ako hanggang sa makaupo siya. Binuksan ko na rin ang TV.
"Una na kami Tang, Ate Helen," paalam ko.
"Teka akala ba ay day off mo?" tanong ni Ate Helen.
"Opo pero ngayon ko kukunin iyong sahod ko kay Mrs Feng. Magbabayad na rin ako ng bill ng kuryente at tubig."
"Mag-iingat kayo," sabi ni Tatang.
"Opo!" sabi ko lang at hinila na si Baks palabas.
"Hoy, gala tayo! Day off ko rin!" sabi niya habang naglalakad kami.
"Ha? 'Di ako pwede," sabi ko kasi nga pupunta pa akong Taft mamaya. Kapag nag-aya pa naman ito ng gala akala mo wala ng bukas sa sobrang layo o 'di kaya naman sobrang nakakapagod.
"Bakit? May rampa?"
"Oo," sagot ko kaya umarte pa siyang nagtatampo. "Pero samahan mo na lang ako magbayad ng bills? Gala na rin 'yon!"
BINABASA MO ANG
She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)
RomanceVILLAIN SERIES #2 (COMPLETED) Maling taong nanakawan. Josefina Marie Georgel Guerrero is a thief wandering around the city. What would happen if her last victim would be her target for the next mission given to her - to steal the magic lamp? Would...