19
Inayos ko iyong kurtina sa may bintana ng bus dahil tumatama sa akin ang sikat ng araw. Habang naghihintay na mapuno ng pasahero ang bus ay nagtext muna ako kay Mrs. Feng. Nagulat pa ako dahil agad-agad na siyang pumayag at hindi na nagtanong pa. Nasabi na raw ni Grant lahat. Feeling ko nga mas may connection pa si Grant kay Mrs. Feng kaysa sa akin.
Nagpaalam din ako kay Ate Helen para hindi sila mag-alala kung sakaling hindi ako makauwi agad. Tinanong ko kasi iyong konduktor kanina. Ang sabi mahaba-haba nga raw ang biyahe. Ang sinabi ko na lang kay Ate Helen ay may raket ako sa La Union. Tutal naman ay para kay Grant naman itong mga files at may trabaho ako sa kanya. Ang hirap din kasing i-explain. Gets naman na ni Ate Helen 'yon.
Ilang minuto pa ay napuno na rin ang bus kaya tumulak na kami. Buti na lang ay nasa may bintana ako kaya hindi ako nabagot sa biyahe dahil nakikita ko iyong mga nadadaanan namin. Pagkatapos ng halos dalawang oras ay nakatulog naman ako. Nagising lang ako nang marinig ang konduktor na nagsasalita at malapit na raw kami. Pasimple akong nag-inat dahil mahaba ang itinulog. Tiningnan ko ang oras at halos 3 pm na. Tanghali pa ako umalis at ngayong hapon lang nakarating.
Nakita ko na may text si Grant kanina noong tulog ako.
S4ntino:
Text me when you're at the terminal. I'll get you.Nauna kasi ng halos isang oras si Grant sa akin kaya malamang ay ihahatid niya muna iyong mga files na dala bago ako sunduin. Pagtingin ko sa labas ay papasok na kami ng bus terminal dito sa San Juan. Inayos ko ang sarili ko at naghanda sa pagbaba.
Pagbaba ko ay nilibot ko muna ang tingin sa paligid. Lumayo ako sa dagat ng mga tao pero agad akong nahanap ni Grant.
"Magte-text pa lang ako," sabi ko nang makalapit siya. "Kanina ka pa rito?"
He nodded. "Naghintay na ako rito."
Naglakad kami hanggang sa makasakay sa Jeep Wrangler niya. Inabot ko na rin sa kanya iyong clear folder na hawak ko.
"Para saan pala iyong mga files?" tanong ko habang namimili ng music dahil gusto raw niyang makinig.
"May construction kasi rito tapos kailangan no'ng mga engineer."
"Edi sa site tayo pupunta ngayon?"
"Yes. Sorry for the trouble." He glanced at me.
"Nahiya ka pa. Ako lang 'to." I joked.
Natawa siya.
"Seryos kasi. Ang hassle sa 'yo na bumiyahe pa."
"May kasalanan ka ba sa 'kin? Ang bait mo e."
"What? No!" depensa niya agad na ikinatawa ko lang. "I just don't want to tire you with my errands."
"Hindi, ayos lang." Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako at tumango. Binalik din niya sa daan ang tingin. "Lagi mo nga akong tinutulungan. You even do things for me. Kaya, I got you."
Napatingin ulit siya na parang kakaiba sa pandinig niya iyong mga sinabi ko. Hindi rin nagtatagal sa akin ang tingin at binabalik din sa daan.
"You got me?" A smile flashed on his face. "You got me..."
Napailing ako dahil sa reaksyon niya. It feels like it heightened up his mood.
"I got you too." Sumulyap siya sa akin. "Always." I just smiled back, not knowing how to react to how he smiled and looked gently at me.
Ilang minuto pa ay malapit na raw kami sa site.
"Ano iyong tumunog? Sa sasakyan iyon 'di ba?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
She Who Stole the Magic Lamp (Villain Series #2)
RomanceVILLAIN SERIES #2 (COMPLETED) Maling taong nanakawan. Josefina Marie Georgel Guerrero is a thief wandering around the city. What would happen if her last victim would be her target for the next mission given to her - to steal the magic lamp? Would...