DIECINUEVE

477 14 0
                                    

Chapter Nineteen

Kinuwento ko na kay Nate ang tungkol kay Charlotte pero siyempre hindi ko sinabi yung tungkol dun sa mga gustong kumuha kay Charlotte na lalaking naka itim.

I still need to investigate, saka ko nalang sasabihin sa kanya ang tungkol doon kapag napatunayan ko na ang mga lalaking gustong dumukot kay Charlotte ay konektado sa Drug Organization

"Queen hindi kapa ba lalabas?" Narinig kong pagkatok ni Jullius sa Pintuan ko, nasa labas ngayon silang apat at nag uusap usap. Get-to-know each other kumbaga.

"Nah, not in the mood" yun lang ang sinagot ko at wala na akong narinig mula sa labas, wala naman talaga kasi ako sa mood.

Bad trip kasi ako kay Nate, ng malaman niya na 'mommy' ang tawag saakin ni Charlotte ay pumayag naman siya pero ng malaman niyang si Ace ang 'daddy' sinabihan niya si Charlotte na siya nalang daw ang daddy niya.

Ayun nag tampo ang bata, pinag papalit ko naman daw ang daddy niya, I don't know where she get that word na 'Pinagpalit' and it also irritates the hell out of me.

Today is the last day of the Festival and Charlotte is still ignoring me, she's staying with the SSC with Ace, hindi ko na alam ang gagawin ko para pansinin niya lang ako.

I want to ask her kung ano ang gusto niya pero hindi ko naman magawa dahil iniiwasan niya ako, at mas lalong hindi ako makakalabas ng Academy basta basta lalo na't nandito na si Nate dahil paniguradong bantay sarado ako sa kanya. "Allison may dalaw ka" narinig kong pag katok sa akin ni Nate dahilan para mapakunot ang noo ko sa sinabi niya.

What the hell? Ano bang akala niya sa akin, Preso? Hindi porket nag kukulong ako, nakakulong na ang tingin niya saakin, tsaka sino naman ang dalaw na yun?

"Im not expecting anyone paalisin mo wala ako sa mood" walang ganang wika ko, nagtalukbong nalang ako ng kumot at akmang matutulog ng marinig kong padabog na bumukas ang pinto.

Agad akong napabangon at napabaling ang tingin ko duon, handa na sana kong murahin ang sino mang pangahas na pumasok sa kwarto ko ng pwersahan pero sinarili ko nalang iyon at umirap.

"What are you doing here in my house and in my room?" Masamang tingin na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon na walang ka emosyon sa mukha.

"Charlotte wants to see you" walang ganang wika niya saakin, agad akong napatayo sa higaan ko at masayang tumingin sa kanya, mukhang nagulat pa siya sa inakto ko kaya napanguso nalang ako ay lumayo ng kaunti sa pag mumukha niya.

"Seryoso ba yan or ng g-good time kalang?" Taas kilay na tanong ko sa kanya, inismiran niya lang ako bago sumagot.

"I don't do jokes Allison, pinatawag lang din ako nila Theo dahil utos daw ni Charlotte. Isinama na kita kasi pinapasundo ka nila saakin, huwag daw akong pupunta doon ng wala ka, tsk, how dare them threatened me?" Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.

Ang haba ata ng sinabi niya, ito ang first time niyang nagpaliwanag sa akin at kahit na mukhang bwisit sa pagpapaliwanag nakausap ko siya ng matino.

"May lagnat kaba?" Takang tanong ko at hinipo ang noo niya pero hindi naman mainit, nagulat pa ata siya sa ginawa ko dahil medyo nanlalaki pa ang mga matang nakatingin siya saakin kaya dumistansya ulit ako.

"Tsk, baliw kaba?, Kung yan ang naidudulot sayo ng pag mumukmok sa susunod bantayan mo ang lumalabas sa bibig ng mga alaga mo" napairap nalang ako sa sinabi niya.

"Hindi ko sila alaga" umirap lang siya sa sinabi ko na nagpataas sa kilay ko, Bakla ba siya? Alam ko babae lang ang nairap.

"Whatever you say" wika niya at nagtungo na sa may pintuan pero di paman siya nakalabas ay humarap ulit siya sa akin, "by the way, Change your clothes I can see your everything through that piece of cloth your wearing" nakangiting wika niya at sinara ang pinto.

Legendary Assassin (Completed) [Under Revision]Where stories live. Discover now