Chapter Twenty-Three
"Hey are you alright?" tanong sa akin ni Ace ng madala niya ako dito sa bahay mismo niya, inabot niya sakin ang isang baso ng tubig na agad ko naman na tinanggap at mabilis na ininom iyon.
"What are we going to do?" tanong ko sa kanya, sinubukan ko kasi kanina na puntahan yung tinahak ng lalaking kumuha kay Charlotte pero hindi rin kinaya ng mga tuhod ko dahil medyo nahihilo pa ako lalo na at kagigising ko lang at halos limang araw na akong nawalan ng malay.
"We should tell them what we know and also everything you know" wika niya sakin na tinanguan ko nalang, what do I know? wala naman akong gaanong nalalaman dahil masyado pang magulo ang lahat sa akin.
"Tara na, Shawn texted me na kumpleto na sila doon including your friends" tumango ako sa kanya sa paglalakad, pumasok kami sa isang mini library at may hinatak siya doong libro at bumukas ang isang shelf dahilan para makita ko ang isang lagusan pababa.
tahimik lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa pumasok kami sa isang bakal na pinto at sumambulat sa akin ang kulay puting kwarto na may malaking lamesa sa gitna na maraming upuan at ibat-ibang monitors, hindi katulad ng pinag meetingan namin noon.
"So what are we going to do here?" halatang hindi gusto ni Nate na nandito siya, tinitignan niya lang ako pero hindi ko siya pinansin sa halip ay umupo sa may unahan malapit kay Ace. "Nandito tayo para pag usapan ang mga nangyayari sa Academy Mr. Cassiano" sagot ni Ace sa tanong niya.
"3 months ago bago pa kayo mapunta sa Academy na ito ay may mga estudyante ng nawawala at ang iba ay matatagpuan nalang na patay, as the SSC president of this Academy its my priority to take responsibility of every student that is studying here" pag uumpisa niya, "So what's your point mr. SSC president?" naiiritang tanong ni Nate dahilan para tingnan ko siya ng masama.
"Dont look at me like that Allison dahil wala akong oras makinig sa pagbabalik tanaw ng mga nangyari dito dahil ang kailangan ko malaman ang nangyari sayo" sagot niya na nag pairap sa akin.
"Makinig ka nalang muna" pag babanta ko sa kanya, tiningnan ko si Ace para sa bihin na ako muna ang mag k-kwento dahil satingin ay sa part ko na ito nagsimula na tinanguan naman niya ng ma gets ang gusto kong ipahiwatig.
"Everyone already know that I'm the owner of this school but only the ten of us knows about that, kagaya ng sinabi ko sa inyo noon, my father sent me here to learn how to take responsibility of my family business at isa na dito ang Academy." pag uumpisa ko sa kanila.
"When I first got here I encountered some men with different chemicals at yun yung time na nailigtas namin ni Ace si Charlotte, we keep her with us to make her safe at para narin malaman kung sino ang mga lalaking iyon at ano ang pakay nila sa bata" paliwanag ko at nag flash sa isang malaking screen ang isang pamilyar na likido.
"This thing is called 'HOPE' base on what I gathered, this chemical can prolong someone's life span and help our cells to produce and even can give us strength to do something, but this kind of drug is still experimental but some people are already distributing this on the underground" paliwanag ni Ace.
kagaya ng sabi niya ay tumugma din iyon sa sinabi ng emcee nung pumunta ako sa Auction at tama nga ang hinala ko na konektado ang mga lalaking gustong kumuha kay Charlotte sa mga sindikatong nagbebenta ng droga na misyon ko under Organizare.
"is that even possible?" hindi makapaniwalang tanong ni Zia na agad namang sinagot ni Ace, "We still don't know but I do know na ang mga taong naturukan ng gamot na ito ay namamatay kaagad, but lately ay may isang nabuhay" seryosong wika niya.
"What do you mean? kung nakakamatay naman pala ang bagay na iyan bakit pa nila ibinebenta, at sino naman ang nabuhay?" tanong ni Gray na mukhang seryoso din sa mga bagay na ito, pero ang hindi ko inaasahan ang sagot ni Ace.
YOU ARE READING
Legendary Assassin (Completed) [Under Revision]
RomanceStuck between The Law and The Underground, The Future Empress of an Empire that is known for being gorgeous, fearless, and calm. What will happen if she meets the 'Atrocious leader' of the Men in Black? Stuck between Past and Present, the Atrocious...