Chapter Six: A Weird Guy
Tahimik lang akong nakaupo sa lupa ng field na ito kung saan gaganapin ang training namin, may mga Target na nakatayo sa malaking field na ito na ginagamit sa Archery, kumpleto na rin ang mga gamit dito.
Merong Quiver, finger tab, Bow, bracer, bow stand and Arrows. Nakasuot na kaming lahat ng PE uniform na plain white na may lining lang na gold.
May kasama ang Section namin na galing sa ibang klase at kung tama ang pag kaka alala ko ay section ito ni Gray kaya inaantay ko siya, sabi niya kasi sakin kanina ay mag bibihis pa siya sa bahay niya dahil nakalimutan niya yung PE niya duon sa sobrang excited makapunta sa bahay ko.
Dumating na ang magsisilbi naming guro na may kagat kagat na pito, tumayo na ako sa pag kakaupo ko at luminya sa mga kaklase ko, inilibot naman niya ang kanyang paningin sa paligid at biglang tumigil iyon saakin.
"You must be the transfer student na pinag uusapan sa Faculty" nakataas kilay niya na nag pairap sa akin.
Gusto ko sana sabihing 'obvious ba?' kaso hindi ko na itinuloy dahil baka mapahiya pa siya sa mga kaklase ko at ako pa ang malagot kapag nagkataon kaya nanahimik nalang ako at tumango.
"Please Introduce yourself Miss" wika nito sa akin na halos magpahaba ng nguso ko dahil sa kada subject na unang beses ko napasukan ay introduction lagi ang ginagawa ko.
"Allison Blair Sir" maikling pagpapakilala ko na tinanguan naman niya, hindi ko na sinabi ang second name ko dahil palaging 'Allison' ang natatandaan nila.
"Ow, Blair huh? I heard about your family, I never thought I would see one here inside the Academy" taas kilay na wika niya. "I wonder why transfer now"
Pumeke nalang ako ng ngiti sa kanya at hindi na nag komento dahil baka kung ano pa ang lumabas sa bibig ko lalo na at wala akong ganang makipag usap kahit kanino.
"Do you know how to Shoot an Arrow?" Tanong niya na tinanguan ko naman. "Good, now everyone, Pick yourself a Partner so we can start"
Napanguso nalang ako sa winika niya dahil wala akong pwedeng maging partner dito dahil wala pa si Gray, wala naman kasi akong kilala ni isa man lang sa kaklase ko dahil hindi ako marunong makipag 'communicate' sa iba.
Nagulat nalang ako ng may lalaking lumapit sa akin, pamilyar siya sakin dahil kasamahan siya sa weird na grupong nakikita ko na nakatingin sa akin parati.
"Hi i'm Theodore Detecio" pag papakilala niya at nag lahad saakin ng kamay, nag dadalawang isip ko namang tinanggap yun at pumeke ng ngiti.
"Classmates tayo incase you dont know, by the way partner nalang tayo" nakangiting wika niya sakin na tinanguan ko nalang at sinagot ng 'okay'. As if naman kasi na I have a choice, kung pwede lang mag solo kanina ko pa ginawa.
"5 pairs will be battling and the pair who will get the highest point will move to the next round, first round is 40 yard, the second will be 50 and the third one is 60" pagpapaliwanag nito sa amin na tinanguan naman ng bawat estudyante.
Tahimik lang akong nanonood dahil pangatlong call pa ang turn namin, dahil 58 students lahat ng nandito na dapat 60 kaso wala si Gray kaya may isang nag solo na taga score.
29 pairs bali lahat lahat at dahil 5 pares lang ang pwedeng maglaro sa kada Call ay hinati ito sa 6 na call at kami ang panlima. Natapos na ang unang call at 88 ang highest score point ang nakuha.
Sumunod naman ang second call at 80 lang ang highest, ng kami na ang manlalaro ay inayos ko na ang sarili ko at kumuha na ng bow at arrow. Nasa likod ko naman ang kapartner ko na nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
Legendary Assassin (Completed) [Under Revision]
RomansaStuck between The Law and The Underground, The Future Empress of an Empire that is known for being gorgeous, fearless, and calm. What will happen if she meets the 'Atrocious leader' of the Men in Black? Stuck between Past and Present, the Atrocious...