DIECISEIS

498 17 0
                                    

Chapter Sixteen: Auction Day pt. 1

Kanina pa nagsimula ang party na ito, maraming bigatin ang mga taong nagdalo sa lugar na ito, may nga Ambassador, Mayor, Congressman, naglalakihang Businessman at marami pang iba.

Paniguradong may mga taong galing din sa Mafia ang nandito at iba pang organisasyon dahil may mga lalaking nakaitim ako kaninang nakita.

Masyadong maga-gara ang mga pananamit ng mga taong nandito mula sa mga alahas, sa damit na suot pa lamang ay masasabi mo na na bilyon ang laman ng mga pitaka nila.

Nakasuot lang ako ng simpleng Black fitted gown na bukas sa likod, may slit ito sa tagiliran ng binti ko dahilan para lumitaw ang hita ko lalo na kapag umuupo.

"Do you have blue margarita?" Tanong ko sa isang waiter na tumango naman at inilahad sa akin ang isang inumin galing sa tray na dala nito.

Tahimik lang akong umiinom at pinag mamasdan ang bawat kilos ng mga taong nasa loob nito, nakasuot lahat ng maskara kaya wala akong gaanong makilala, hindi ko pa sila malalaman kung hindi sila pinakilala kanina.

"Hi miss" wika ng kung sino, napabaling ako sa nagsalita at nakita ang isang matipunong lalaking nakasuot ng maskarang itim.

"Hi want some drink?", I offered him and he chuckled, ayoko man kasing makihalubilo ay kailangan dahil baka mabulilyaso ako sa mission na ito.

"Thank you, are you alone?" Tanong niya na tinanguan ko naman, "Ow? Mind if I join you then?" Tanong niya habang may ngiti sa labi.

"By the way i'm Keiran De Lavre" pagpapakilala niya sa akin at naglahad ng kamay, agad ko naman iyong tinanggap at nagpakilala, "Hillary Veron"

Ngumiti naman siya saakin, 'Veron' ang maiden name ng Mamá ko at ang alam ko ay kilala ang pamilya na iyon sa Italya dati dahil kay Lolo pero ng mamatay ang Mamá noong limang taon ako ay parang nakalimutan na ito.

"So Veron? Its sounds kinda familiar, is your family from Italy?" Tanong nito na tinanguan ko naman pero hindi ko sinagot dahil bawal ako maglabas ng impormasyon dahil hindi ko kilala ang kaharap ko.

"Why are you here?" Tanong ko sa kanya pero nagkibit balikat siya sakin, "My father wants me here?" Tanong niya at natawa.

"Your father? Does that mean you were here because your father wants you to attend in his behalf?" Hindi makapaniwalang tanong ko na tinanguan niya.

"Well yeah, kind of? He wants me to handle our business because i'm the next heir" natatawang wika niya na parang wala siyang magagawa dahil iyon ang gusto ng ama niya.

"You why are you here?" Tanong niya sa akin kaya nagkibit balikat ako, "Bored?" Pekeng tawang wika ko.

"What do you mean by 'bored'?" Tanong niya sa akin ng naguguluhan, "well I'm bored and I want to go out, I heard from a friend that there will be an Auction here so I came in his Behalf since im kinda fond of collecting stuff" pagsisinungaling ko sa kanya.

"So your just bored and want to spend money to some kind of stuff?" Hindi makapaniwalang tanong niya sakin, gusto ko umirap dahil sa sinabi niya, para nakasing sinabi niya na 'spoiled brat rich kid' ako pero indirect.

Wala akong ginawa kundi ang nahihiyang tumingin sa kanya at tumango, kailangan ko lang naman ay matapos ang misyon na ito at matatapos din ang pagsisinungaling ko sa lugar na ito.

"You're rich! Why don't you just hang out with your friends if you're just bored?" Tanong niya na ikinatawa ko, "I'm not that kind of girl Mr. De Levre. I'd rather choose to be locked inside my room and die in boredom than hanging around with fake friends" wika ko na ikinatawa niya.

Legendary Assassin (Completed) [Under Revision]Where stories live. Discover now