Chapter Twenty
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at ano ang masamang espiritu na sumapi sakin, like, What the hell is wrong with me? I just respond on Ace kisses. Hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sa mga estudyante sa Academy na ito dahil halos kalahati ata ng estudyante ang nanonood sa amin sa wedding booth.
Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga dahil sumasakit ang ulo ko, ginawa ko lang naman yun para kay Charlotte kaya bakit ako namomoblema?. Aish! Napapadyak na lang ako sa damuhan, nasa field ako ngayong gabi dahil last day na ng Festival ay magkakaroon ng Party at last performance pa ng SSC.
"Allison", Napatalon ako sa pwesto dahil sa gulat, masama ang tingin hinarap ko ang taong nangat saakin.
"what?" iritang tanong ko kay Neon, "mag uumpisa na yung party Queen, hinahanap kana ni Nathan" tumango ako sa kanya at nag umpisa ng pumunta sa Gym.
"Queen narinig ko yung nangyari sa Wedding booth kanina ah" napangiwi nalang ako sa sinabi niya, kinakalimutan ko na pinapaalala pa.
"let's not talk about it Neon dahil sumasakit lang ang ulo ko kapag naaalala ko ang bagay na yan" wika ko sa kanya, tumango lang siya saakin.
Nakarating na kami sa Gym na puno ng mga studyante na nagkakasiyahan, inilibot ko ang paningin ko para hanapin sila Nate at nakita silang nakaupo sa may unahang parte malapit sa stage.
"Queen" pagbati nila saakin ng makalapit kami ni Neon sakanila, tumango lang ako at umupo sa bakanteng upuan na nasa pagitan nila Nathan at Gray,
Umupo naman si Neon sa tabi ni Nathan, inaatay lang ata nila na matapos ang event na ito dahil katulad ko mukhang napilitan lang din sila.
"Gray nakita mo ba si Charlotte?" tanong ko dito habang inililibot ang paningin sa paligid.
"Hindi pa Queen, pero kanina ang alam ko kasama siya ng SSC" sagot niya sakin na tinanguan ko nalang. Hindi rin nagtagal ay nag salita na yung emcee at inumpisahan na ang mga performance, pang finale pa ang SSC na mag p-perform.
Habang nanonood ng mga nag pe-perform ay may biglang may napansin ang mga mata ko, hindi ko alam pero nag iba ang pakiramdam ko sa paligid.
Agad kong nilibot ang mata ko sa paligid at nahagip ng mga mata ko ang tatlong lalaki na nakasuot ng itim na damit sa may gilid na parte ng Gym kung saan may masukal na parte ng eskwelahan.
"Gray and Jullius find Charlotte no" kalamadong wika ko sa kanila na ikinataka naman nila. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may mga lalaking nakaitim dito na gusto kumuha kay Charlotte dahil wala pa silang alam tungkol doon.
"What's wrong Al?" tanong sakin ni Nate, alam ko na alam niya na may na s-sense akong panganib dahil sa paraan ng panaalita ko.
"Neon and Nate get my thing under my bed, while Gray and Jullius, find Charlotte and keep her guarded and tell Ace shadow" nagtataka lang ako nilang tiningnan pero tumango rin sila sakin ng mapansin na seryoso akong nakatingin sa kanila.
Nagsimula na silang umalis at akmang pupunta naman ako sa masukal na parte ng Gym pero hindi pa man ako nakakailang hakabang ng isang malakas na pagsabog ang nangyari.
Napamura nalang ako sa sarili ko at napayuko dahil sa pagyanig ng lupa dahil sa nangyaring pagsabog. Nag Umpisa ng magkagulo ang mga estudyante na nasa loob at nag pasukan naman ang mga lalaking nakaitim.
Malakas ang hinala ko na sila ang mga tao na gusto kumuha kay Charlotte dahil sa paraan ng pananamit nila, ang ipinagtataka ko lang hanggang ngayon ay paano sila nakakapasok dito sa Academy.
YOU ARE READING
Legendary Assassin (Completed) [Under Revision]
RomanceStuck between The Law and The Underground, The Future Empress of an Empire that is known for being gorgeous, fearless, and calm. What will happen if she meets the 'Atrocious leader' of the Men in Black? Stuck between Past and Present, the Atrocious...