Chapter Eight: Intruder's Inside the Academy
Napasampal nalang ako sa aking sarili dahil sa kakulitan ng tatlong ito sa harapan ko, Sabado ngayon at ginugol ko ang natitirang araw ko sa eskwelahan ng mag isa.
Excuse na sa akin si Neon dahil given na siya ang SC president pero ang dalawang ito na nasa harapan ko ay hindi exempted.
"Hay nako!" Na f-frustrate na wika ni Neon sa dalawa dahil pinag sasabihan niya ang mga ito, nakikinig lang ako sa kanila at gustong matawa dahil sa kakulitan nila pero naiingayan ako.
"Sorry na Neon hindi na mauulit" pangungumbinsi ni Gray dito, pinagagalitan sila ni Neon dahil iniwan daw ako ng dalawa ng walang magandang dahilan, though hindi ko naman inaasahan na sasamahan nila ako palagi dahil hindi ko naman kailangan ng bodyguard.
Si Gray kasi ay hindi umattend ng mga afternoon class dahil ayaw niya sa Archery teacher namin dahil may atraso siya kay Sir nung time na naka partner ko si Theo.
Ng mga sumunod na araw naman ay hindi na rin siya pumasok sa iba pa niyang klase dahil nag bitbit ng babae sa bahay niya, ayan tuloy na bulilyaso ng presidente nagkanda letse letse tuloy siya.
Si Jullius naman ay busy sa ginagawa niyang Project, naatasan kasi ang section nila na maghanda para sa gaganaping Anniversary party ng school sa susunod na linggo.
"Kayong tatlo tama na yan" pag susuway ko sa kanila at tumayo, lalabas muna ako ng bahay para maka hinga naman ako dahil sumasakit ang ulo ko sa kanila.
"Queen saan ka pupunta?" Nag aalalang tanong ni Neon sakin pero hindi ko siya sinagot at derederetsong lumabas ng bahay.
"Queen sandali!" Sigaw ng tatlo pero tinignan ko lang sila ng masama dahilan para mapatigil sila, "walang susunod sakin" mariing wika ko at nag patuloy sa pag lalakad.
"But-" hindi ko na pina tapos ang sasabihin ni Gray ng tingnan ko siya ng masama, "Come and I'll shoot you" may babantang wika ko.
Tumango na lang sila sakin at pumasok na ulit sa bahay ko dahilan para mapailing nalang ako. sa pagkakatanda ko kasi nag pa reserve ako ng bahay na solo ko lang dahil gusto ko ng tahimik at ayaw ko ng bulabog, hindi ko naman inexpect na magiging tambayan ng tatlong iyon ang bahay ko sa hindi malamang dahilan.
Bumuntong hininga ako at hinayaan ko lang ang mga paa akong dalhin sa kung saang lupalop man ng subdivision na ito dahil tinatamad ako mag isip at hindi ko rin alam kung san ako pupunta.
Natagpuan ko nalamang ang sarili ko sa isang malawak na Garden na may malaking fish pond na may mga Chinese Koi fish na kulay orange at ginto.
Bilog ang fish pond na iyon at may tulay na gawa sa kahoy sa gitna, medjo madumi ang tubig dito na halatang napabayaan pero kahit papaano ay maganda paring tingnan.
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at pumunta sa kabilang parte ng hardin, natutuwa ako sa ganito kagandang lugar, napapaligiran ng mga puno at iba't ibang uri ng bulaklak at mga halaman, tanging huni lang ng mga ibon na lumilipad at ang mga sanga ng punong dinadala ng hangin ang maririnig mo.
Nag Ikot-ikot pa ako sa paligid dahil na rerelax ako, hinayaan ko lang ang aking sariling malibang at ang paa ko kung saan man ako nito dadalhin.
Tumigil ang mga paa ko sa isang lumang bahay na tanaw ko mula rito, maganda iyon dahil parang mansyon ang dating na dalawang palapag lang pero mukhang konting kalabit ay babagsak na dahil sa bitak, napapalibuta din iyon ng mga baging.
Tatalikod na sana ako para bumalik dahil medyo ngalay na ang paa ko sa kakalakad at na relax na naman ako ng may marinig akong tumuli sa hindi kalayuan.
YOU ARE READING
Legendary Assassin (Completed) [Under Revision]
RomanceStuck between The Law and The Underground, The Future Empress of an Empire that is known for being gorgeous, fearless, and calm. What will happen if she meets the 'Atrocious leader' of the Men in Black? Stuck between Past and Present, the Atrocious...