Chapter 20

4K 74 4
                                    

Angela's POV

"Angela, itigil mo na to. Ikaw lang ang masasaktan sa huli." sabi sa akin ni Quen. Nandito kami ngayon sa park malapit sa subdivision nila Kathryn..

"Alam ko naman na kahit kelan hindi ako mananalo laban kay Kathryn eh" Oo, sumuko na ako.. Narealize ko na dapat ko na talagang itigil ang ginagawa ko. Napapansin ko kasi, nitong nakaraang mga araw, parang nag-iba si Dj eh.. Ewan!

"Mabuti at natauhan ka na.. Iyan lang ba ang sasabihin mo?" tanong niya.

"Meron pa... Aalis na ako"

"Gusto ko na ikaw na lang ang mismo mag sabi kay Liza ha. Alagaan mo iyung bestfriend kong iyun. Wag mo iyun papaiyakin, kung hindi.. Alam mo na mangyayari.. At tsaka tell my goodbyes kanila Kath ha." sabi ko sa kanya. Mamimiss ko talaga itong Pilipinas. Kailangan ko munang mag move-on. Sariwa pa kasi ang sugat.

Tunalikod na ako at naglakad palayo kay Quen..

________________

Kathryn's POV

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nanligaw si Quen kay Liza.

Nandito kami ngayon sa bahay, nag bibihis ako, kasi maya maya aalis kami. Pupunta kami sa bahay nila tita Karla at sa bahay namin. Namiss ko na si mama at lalo na si Andrea.

"Ate Ela, mga 9 ng gabi na po kami makakauwi mamaya." sabi ni Dj.

"Ah ganun po ba, sige po magingat po kayo." sabi ni Ate Ela. Lumabas na kami ng bahay at sumakay na sa kotse.

"Sir, saan po?" tanong ng driver namin.

"Kila mama po." sabi ni Dj.

-------

Maya maya ay nakarating na kami sa bahay nina Dj.

"Mama!!! Nandito po sina ate Kath at kuya...DJ!!" sigaw ni Lelay. Pumunta siya sa akin at hinug ako.

"Naku! Namiss mo ko ano?" sabi ko kay Lelay at ginulo buhok niya.

"Opo naman po.. Hehehe!!" biglang lumabas si tita Karla mula sa kitchen. Lumapit siya sa amin ni Dj.

"Nandito na pala kayo." nag mano ako kay mama Karla, pati rin si Dj

"Ihahanda ko muna ang pagkain ha." sabi ni tita, at bumalik na sa kusina.

"Lelay, dun lang kami ni ate Kath sa kuwarto ko ha" tumango lang si Lelay at pinag patuloy ang pagdadrawing niya.

-----

Nandito kami sa kuwarto niya. Wala pa ring nagbago. Humiga agad siya sa bed niya, ako naman umupo lang sa sulok ng bed niya.

"Kath, I love you." biglang sambit niya, napangiti naman ako dun. Lumapit siya sa akin.

"I love you too." at tsaka hinalikan niya ako sa pisngi.

"Ate Kath, Kuya DJ.. Kakain na raw po ng tanghalian." sabi sa amin ni Lelay.

"Sige sunod na kami ha." sabi ko. Nauna na siyang bumaba sa amin.

"Tara na Dj." hinila ko siya, nagpahila naman siya.

------

"Hmmm, bango!! Sarap ng pagkain ha!" sambit ni Dj pagkarating namin sa dining room. Pinag hila niya ako ng upuan at umupo na ako.

"Sige na kumain na kayo." sabi ni mama Karla. Nagdasal muna kami bago kumain.

=.=.=.=.=.=.=.=

Secretly Married with HIM (kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon