Chapter 28

3.5K 73 4
                                    


Daniel's POV

Ilang buwan na ang nakalipas simula nung naging mag kaibigan kami ni Kathryn. Halos araw araw na akong bumibisita sa kanila. Si Angela naman parati akong dinadalaw sa bahay namin, ewan ko nga kung bakit eh.

Nandito ako ngayon sa bahay nila Kath, nag kuwekwentuhan kami sa sala nila.

"Jericho!!" ayan na namang pang aasar niya.

"De joke lang" ang cute niya talaga tumawa. Sana magbalik na sa dati ang lahat para wala na kaming problema.

"Bakit di ko alam na may kambal pala si Dj?" tanong niya sa akin. Umupo siya ng maayos at tiningnan ako.

Bakit ba kailangan ko parating magsinungaling sa kanya?

"Ka-Kasi... Di ko alam eh" sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Ahhh" iyan na lang nasabi niya.

Nang biglang bumukas ang pinto.

"Guys!" sigaw ni Kathryn at lumapit naman sina Julia, Diego, Kiray, Ej, Liza at Quen sa kanya.

"Namiss ka namin!" sabay sabay nilang sabi.

"Sus, as if naman, eh last month lang tayo huling nagkita eh" sabay tawa niya.

"Kath" tawag ni Julia kay Kathryn sabay tingin sa akin at kay Kathryn na naman.

"Ah-Ah, guys, si Jericho nga pala. JD na lang. Kakambal ni Daniel" sabi niya. Nagpakilala naman isa isa ang barkada namin.

"Jd" maikling sabi ko sa kanila at ngumiti.

Umupo naman sila. Mag usap usap kami. Tinanong nila ako ng mga bagay bagay.

"So, kailan ka lang dumating?" tanong ni Kiray sa akin.

"Last 2 months lang." sabi ko.

"Bakit di ka namin nakita nung libing ng kakambal mo?" tanong naman ni Liza.

Patay!

   *Flashback*

"Oh, Dj, bakit ka pa nandito? Sasabay ka ba sa amin?" tanong ni Tita Min. Nandito kasi ako sa labas ng bahay nila Kath.

"Sasabay ka ba sa amin kuya?" tanong ni Andrea.

"Sasabay po ako. Si Kath po?" tanong ko. Umiling na lang si Mama Min at si Andrea ang sumagot.

"Ayaw po sumama eh."

"Sige, babantayan ko na lang siya." sabi ko sa kanila. Umalis na sila.

Gumabi na lang at dumating na sina Andrea ngunit di pa rin lumabas si Kath kaya sinabi ko na lang na aalis na ako.

   *End of Flashback*

"Na-nasa... Nandoon ako, di niyo lang ata ako nakita" sabi ko na lang. Tumango tango lang sila.

Yes! Buti naman naniwala!

"Guys, alam niyo na ba na dumating na si Angela?" tanong ni Kath sa amin.

"Di namin alam. Kailan pa?" tanong ni Enrique.

"Nakita ko siya sa mall, last last week" sabi niya.

Napa-'ahhh' na lang kami.

"Wait wait guys. Mukhang may OP ata rito eh" sabi ni Julia. Tumingin naman silang lahat sa akin.

"Kilala ko siya.. Angela Barretto, right?" tanong ko sa kanila.

"Papaano mo siya nakilala?" tanong ni Ej.

"Diba kak----- I mean, nameet ko siya sa London, kaya naging magkaibigan kami. Ganoon." sabi ko sa kanila.

_______________

Angela's POV

Nandito ako ngayon sa cementery. Bibisitahin ko si Dj. Ito ang first time na bibisitahin ko siya. Ngayon, hinahanap ko na lang kung nasaan siya nilibing. Kanina pa ako ikot ng ikot dito eh..

Nang biglang...

Yes!!!! Yes!!! Sa wakas nakita ko na rin.. Pero, ba-bakit??

  JERICHO DRAKE AQUINO
Born: Septmeber 11, 19**
Died: March 19, 20**

Bakit, pangalan ni Jd ang nandito??

Hindi kaya..... Pero bakit??

------------------

Sorry for the short UD! Ito lang muna for now guys!! Malapit na!!

Abangan!!!

Please VOTE and COMMENT!!

-d_prinsesa24

Secretly Married with HIM (kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon