Chapter 25

3.7K 74 5
                                    

Kathryn's POV

"DANIEL?!?" tumayo agad ako at niyakap siya.. Oh Gosh!! Akala ko talaga wala na siya. Buti at buhay pa siya.

Di ko napansin na umiiyak na pala ako.. Tears of joy..

Buti at tinupad ng Diyos ang hiling ko. Di ko kakayanin kung mawala pa siya sa piling ko..

________________

Daniel's POV

Lumapit siya sa akin at yinakap ako. Namiss ko siya. Akala ko nga, mawawala rin siya tulad ni JD.

*FLASHBACK*

Nakikita ko siya ngayon na umiiyak dahil akala niya ako ang namatay. Gustong gusto ko siyang lapitan pero hindi pa ako handa. Nang bigla siyang nawalan ng malay..

Tumakbo agad ako papalapit sa kanila..

"Ma, ano nangyari?!?" tanong ko.

"Nahimatay siya" sagot ni mama.

Dinala agad siya sa isa pang vacant na room at pinahiga ko siya doon.

Nagpatawag kami ng doctor.

Chineck ng doctor ang pulse rate niya.

"Okay naman siya. Na over fatigue lang siya kaya siya nag collapse. Pero magigising na rin siya maya maya" nagpaalam na ang doctor at umalis na.

"Oh sya, Daniel. Bantayan mo muna iyang anak ko. Babalik lang rin kami agad." sabi ni Mama Min. Umalis na sila.

Umupo naman ako sa tabi ni asawa ko.

"Kathryn ko.. KC ko.. Asawa ko.. Babe ko.. Baby ko.. Buhay ko.. Sorry sa lahat lahat.. Sorry dahil kailangan kong magsinungaling sa iyo.. Alam mo, namiss talaga kita. Walang taon, buwan, araw, minuto o segundo na hindi kita iniisip. Gustuhin man kita makasama, pero di ko magawa.. Pasensya na talaga. Sana maintindihan mo kung bakit ginagawa ko ang mga bagay na ito. Alam mo ba na natakot ako kanina dahil akala ko mawawala ka sa akin. Di kita masisisi kung magalit ka man sa akin pag malaman mo ang totoo pero, wag mo naman akong hiwalayan.. Mahal kita higit pa sa buhay ko.. I love you Kath." sabi ko sabay halik sa noo niya at nakatulog na rin ako..

Nagising ako ng may napansin akong kumalabit sa akin. Si Kath pala. Hindi ko muna siya hinarap. Dumiretso ako sa mesa at kumuha ng pagkain para sa kanya.

Kaya mo iyan Dj!! Para kay Kath! Huwag kang mauutal.

*END OF FLASHBACK*

"Ah-Ah, Kath?" sabi ko. Kumalas ako mula sa pagkayakap niya sa akin. Di niya dapat muna malaman ang totoo.

"Bakit Dj? May masakit ba sa iyo?" tanong niya. Namiss ko siya. Namiss ko ang mahal ko.

Etoh na. Magsisinungaling na naman ako sa mahal ko.

"Hi-hindi ako si Da-Daniel"

Kumunot naman ang noo niya.

"Dj ko, wag ka nga magbiro ng ganyan. Hindi nakakatawa" sabi niya. At sa pangalawang pagkakataon.

Nag uumpisa na naman siyang umiyak.

"Hindi talaga ako si Dj. Ako ang kakambal niya, ako si Jd" sabi ko.

"Hindi eh!! Ikaw si Daniel! Nagka amnesia ka ba ha?!?" pinagpapalo niya ako sa dibdib. Hindi ko kayang nakikita ang mahal kong nagkakaganito..

"Kath, tumigil ka na" sabi ko at yinakap siya.

"Hindi.. Ikaw si Dj." sabi niya at humagulgol na naman sa pag iyak.

Biglang bumukas ang pintuan na niluwa sina Mama at ang mga magulang ni Kath.

"M-Maaa!!" sigaw ni Kath at yinakap si Mama Min. Naawa na ako kay Kath. Maghintay ka lang Kath, sasabihin ko rin sa iyo ang lahat sa tamang panahon.

"Mama Karla... Di-diba po.. Si-siya s-si Da-Daniel??" tanong ni Kath sabay turo sa akin. Nakita komg umiling si papa.. Tinignan ako ni mama. Nag uusap kami sa mata bago kausapin si Kath.

"Hi-hindi siya sa Da-Daniel" sabi ni Mama. Mas lalong humagulgol sa iyak si Kath.

"Hindi!!! Siya si Daniel eh!!! Kitang kita ko!! Buhay pa si Daniel!!!" bigla namang pumasok ang doktor at nurse. Nakita kong Ininjectionan ng nurse si Kath kaya nawalan siya ng malay. Pinatulog ata.

"Daniel, paki dala si Kath sa higaan" tumango ako. Pumunta ako kay Kath, binitbit ko siya at pinahiga sa higaan.

"Kawawa naman ang anak ko" sabi ni Mama Min habang hinahaplos ang buhok ni Kath.

"Huwag ka mag alala Min, sasabihin rin namin ang totoo sa tamang panahon" sabi ni Papa.

"Ma, Pa, Mama Min. Puntahan ko lang po kakambal ko" tumango lang sila at tumungo na ako papunta sa lugar kung nasaan ang kakambal ko.

Lumapit ako sa kanya.

"Bro, masaya ako at natupad ko ang huling hiling mo. Salamat sa pag aalaga sa asawa ko. Bro, sana wag mo kaming multuhin ha. Salamat sa pagiging mabuting kakambal at kuya kay Lelay. Pasensya na pala sa mga kasalanan ko sa iyo dati." Di ko natuloy ang sasabihin ko dahil may naramdaman akong yumakap sa akin at narinig ko ang iyak niya.

"Ku-Kuya Dj, wa-wala na si kuya J-Jd.*sobs*" nandito pala si Lelay. Hinarap ko siya.

"Ummm, sir. Una po muna ako" paalam ni Kuya Nelsaon. Driver namin. Tumango lang ako at tinuon muli ang pansin kay Lelay.

"Lelay, huwag ka nang umiyak. Sige ka, mumultuhin ka ni Kuya JD" pagtakot ko sa kanya. Yinakap niya naman ako ng mahigpit.

"Ku-Kuya Dj naman e-eh!!" sabi niya. Ginulo ko lang buhok niya.

"Say your last goodbye's to kuya JD na" sabi ko. tumango naman siya. Lumabas muna ako.

Maya maya ay lumabas na si Lelay habang pinapahiran ang mga luha niya.

"Let's go to mommy na. Makikita mo rin si Ate Kath mo" naexcite naman si Lelay.

"Yehey! Nandoon rin po ba si ate Andrea?" tanong niya.

"She will come later. Tara na?" hinawakan ko ang kamay niya at pumunta na aa kuwarto ni Kath.

------------------

May clue na ba kayo kung bakit nagpanggap si JD as DJ??

Ano kaya ang mangyayari??

Abangan!!

Please VOTE and COMMENT!!

-d_prinsesa24

Secretly Married with HIM (kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon