Chapter 12

5.3K 119 2
                                    

Kathryn's POV

"Kasi mahal kita, Kath." totoo ba toh?! Seriously?! Ano ba dapat sabihin ko sa kanya? Tatahimik ba ako o magsasalita? Ang raming bagay nasa isip ko ngayon..

"Huwag ka mag-alala. Hindi mo naman ako kailangan sagutin. Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko para sa iyo." sabi niya sa akin, at kumalas siya mula sa pagkayakap niya sa akin. Ang galit niyang mukha kanina ay napalitan ng ngiti..

"Baliw ka na ba?" tanong ko.

"Oo eh. Kaw kasi eh." sabi niya. Anong ako?

"Anong ginawa ko?"

"Baliw na baliw na kasi ako sa iyo." Anebe! Kinikilig ako!! Hinampas ko na lang siya sa dibdib niya.

"Kath! Daniel! Ano nangyari?!!" natatarantang tanong ni ate Ela. Late naman dating netoh eh!!

"Wala ate. May utang lang ako sa kanya." sabi ni Dj na may malapad na ngiti.

"Ahh. Sige, uuwi na ako. Nakapagluto na pala ako diyan. Hinintay ko lang kayo na dumating." sunod sunod na sabi ni ate Ela.

"Eh, saan po kayo galing?" tanong ni Dj.

"Malamang sa pinto. De joke! May bumili lang ako ng kape sa tindahan, naubusan kasi ng stocks eh." pagpapaliwanag niya. Maya maya ay umuwi na nga siya at nandito na kami ni Dj sa room.

"Dj, pa hug." agad agad naman siyang humarap sa akin. Akala ko pa naman, gising pa siya. Tulog na pala, nagkataon lang na humarap siya sa akin. Pero niyakap ko pa rin siya hanggang sa nakatulog ako..

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.

Diego's POV

Saturday ngayon. Balak ko nga pumunta sa bahay nina Daniel eh. Matagal tagal na rin ako hindi naka punta sa bahay nila.

Ito ako ngayon, nasa labas ng bahay nila.

*Dingdong*

(M.A. sorry, walang budget for sound effects.)

"Oh, Diego nandito ka pala." sabi ni tita Karla.

"Hi po Tita Karla. Nandyan po ba si DJ?" tanong ko. Tita tawag ko kay Tita Karla pag wala kami sa school..

"Umm, saglit lang ha." Maya maya ay bumalik siya at may dalang isang pirasong papel.

"Para saan po ito?" tanong ko. May address kasi na nakalagay.

"Iyan ang address ng bahay ni DJ. Gusto na niya kasi magkaroon ng sariling bahay eh." nagpaalam na si tita. Nakakapagtaka naman. Bakit naman magkakaroon ng sariling bahay iyun, eh, 13 pa nga iyun. Bahala na.

--

Nandito na ako sa tapat ng bahay niya.

*Dingdong*

"Saglit lang!" sabi nung boses babae. Tama naman ata ang address na nakalagay dito. Pero bakit boses babae??

Bumukas na ang gate..

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Mukha ko ===> o_O

Mukha niya===>o_O

Secretly Married with HIM (kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon