Chapter 32

4.1K 60 1
                                    

Daniel's POV

Ilang linggo na ang nakalipas. At panibagong araw na naman ang haharapin ko. Araw araw akong pumupunta kina Kath. Kaso hanggang gate lang ako. Ayaw niya ako papasukin. Kahit uulan pa ay di ako umaalis. Bumabalik lang ako ng bahay 11 ng gabi.

Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang mama ko.

"Oh anak. Pupunta ka na naman kanila Kath? Bago ka nga lang gumaling dyan sa langat mo, tapos ay magkakasakit ka na naman ulit. 'tong batang toh oh!" sermon sa akin ni mama. Ang aga aga -_-

"Ma alam ko po yun. Pero ma-----" di ko pa nga natatapos sasabihin ko eh.

"Mamaya ka muna pumunta kina Kath. Nandyan sina Liza sa baba" sabi ni Mama at lumabas ng kuwarto. Nag inat na ako at bumaba.

Pagkababa ko ay nakita ko na nakaupo sa sofa sina Liza, Julia at Kiray.

"May kailangan kayo?" tanong ko at umupo sa harap nila.

"Ginawa na namin lahat J eh. Kaso ayaw talaga" malungkot na saad ni Kiray.

Bumuntong hininga ako.

"Okay lang. Ginawa niyo naman ang lahat eh" sabi ko at ngumiti ng pilit.

"Sorry talaga J ha" sabi ni Julia.

"Sige alis na kami. Tita alis na po kami" paalam ni Liza.

Isa isa nila akong pinat sa balikat at umalis na.

Napupo na lang ako sa sofa. Napaisip ako, paano kaya kung sumuko na lang ako? BAWAL. AYAW KO. Kung para kay Kathryn gagawin ko.

"Ma! Alis na ako!" sigaw ko at dali daling pumunta sa garage.

Kaso may nagdoorbell. Kaya ako na ang bumukas ng gate. Mailman pala.

"Daniel John Aquino po?" tanong nung mailman.

"Ako po" sabi ko. Binigay niya sa akin ang envelope.

"Pakipirma po dito" pagkatapos ko pumirma ay umalis na siya.

Pagkabukas ko ng envelope ay nagulat ako sa nakita ko.

"Maaaa!!!!!" sa sobrang saya ko ay tinawag ko si mama.

"Ang ingay mo. Ano ba meron?" tanong ni mama at lumapit sa akin.

Pagkakita niya ay natuwa rin siya..... Hanggang sa napaisip ako, papaano na si Kathryn?

  ***** NEXT DAY *****

Kathryn's POV

Magulo ang bawat sulok ng paligid.Nakakalat ang mga basag na gamit. Ilang linggo na akong ganito. Wasted. Umiiyak. Sumisigaw. Naghahanap ng sagot.

Araw araw ganito ang scenario na makikita mo sa kuwarto ko.

Nang may narinig ako na nagparada ng sasakyan sa labas.

Mas lalo akong umiyak. Nandyan na naman siya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at patawarin.

Pero masakit rin na nilihim niya sa akin. Di ko pa alam ang dahilan niya, pero sana kung dumating ang araw na magpapaliwanag siya. Sana maiintindihan ko.

Hanggang sa narinig ko na umalis na rin ang sasakyan niya. Bakit ang bilis ata?

Nang may kumatok sa pinto ko.

"Pasok!" sigaw ko.

Dali dali namang binuksan nung maid ang pinto at may iniwan siya na mukhang letter sa table ko at umalis na.

Pagka alis niya ay dahan dahan akong tumayo at pumunta sa table.

Kinuha ko ang letter at binasa ito:

Hi baby ko/love ko/buhay ko at forever ko!!

Sorry sa nagawa ko. Sana maintindihan mo kung bakit ko nagawa yun. Sasabihin ko rin sa tamang panahon. pero sa ngayon, bibigyan muna kita ng oras. Mahaba haba rin ang ibibigay kong oras. Masakit man pero kung para sa iyo gagawin ko. Mahal kita higit pa sa buhay ko. Yan ang tandaan mo.  I Love you!

Daniel mo ;)

I love you too Daniel. Napangiti na lang ako.

Handa na ba akong pakinggan ang mga rason niya o hindi pa??

Ngumiti ako sabay sabing "Handa na"

Nang bumukas ang pinto.

"Anak?" dali dali akong lumapit kay mama at yinakap siya.

"Handa na po ako na pakinggan siya" masaya kong saad.

"Mabuti naman... Pero" nag aalala ako sa reaction ni mama. Malungkot siya.

"Bakit po?" tanong ko.

"Baka.... Baka naka alis na siya anak" sabi ni mama ng nakayuko.

"Huh? Sa-Saan siya pupunta?" tanong ko.

"Sa London. Nakatanggap siya ng letter mula sa **** University. Doon siya mag cocollege" sabi ni mama.

"Anong oras po alis niya?" tanong ko.

"3:30 pm" tumingin ako sa oras. 2:00 pa.

"Magbibihis lang po ako" dali dali naman akong pumunta sa banyo.

*********

4 minutes na lang... Aalis na siya

Pinatawag ko nga sina Julia at sina Diego para sabihin ang balita.

Pagdating namin sa airport ay dali dali akong tumakbo papasok sa airport.

"Ma'am, bawal po kayo pumasok." pagpigil sa akin nung isang guard.

"Aish! may kailanan po ako hanapin!" pasigaw ko nasabi.

"Bawal po talaga eh" sabi nung guard.

"Excuse me, anak ako nang may-ari ng airport na ito. Ako si Enrique Gil" sabi ni Enrique sa guard at pinakita ang I.D. niya.

Pinpasok naman kami ng guard.

Psh! kailangan pa talaga ng maraming ka echusan!

"Last call, Flight 1930 please proceed to the boarding area right now" (di ko alam kung ganyan talaga XD)

"Ate, yan yung flight ni J?" tanong ni Diego.

"Di ko alam" sagot ko. pumunta naman ako doon sa parang desk na pede ka magtanong.

"Miss anong oras po ang 3rd flight, Philippines-London?" tanong ko.

"Hmm.. Yung airplane po na kakaalis lang" sabi nung babae.

Tumango tango na lang ako at tumalikod.

Umalis na siya.....

"Naka-alis na siya" mahina kong sabi sa barkada.

"Kathreng, okay lang yan" sabi ni Kiray. Unti unting tumulo ang mga luha ko. Iniwan niya ako.

_______________________

Ayyyyy :(
sad chapter!!

Epilogue na po ang next!!

Please VOTE and COMMENT!!

love you all!! :*

-d_prinsesa24

Secretly Married with HIM (kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon