Someone's POV
"Girl, ba't mo naman sinabi iyun sa kanya kanina? Baka napaghalataan ka na nun?" sabi sa akin ng kaibigan ko na nasa tabi ko ngayon. Para namang wala tong pinagdadaanan ngayon eh.
"Oo nga noh... Ba't di ko naisip iyun." pagsasang-ayon ko sa kanya.
"Ang kailangan mo lang gawin, eh, makipag close ka sa kanya para naman maconfirm mo talaga kung, totoo iyung nakita mo." tama nga siya.
"Sige na. Una na ako ha bye!" pagpapaalam niya sa akin.
_____________________*KINABUKASAN*
Kathryn's POV
"Kath, gising na..." gising sa akin ng asawa ko. Dinilat ko ang mata ko at ngumiti sa kanya.
"Good morning! May naalala ka ba ngayong araw?" tanong niya.
"Morning rin.. Hmmm.. wala naman. Bakit?" tanong ko. Nalungkot naman mukha niya. Saturday kasi ngayon eh. Kaya, matagal ako nagising. Tsaka, iyung tinanong niya kanina? Alam ko kung ano ang ibig sabihin niya doon.. BIRTHDAY niya kasi ngayon eh.
"Ganoon ba. Sige, breakfast ka na. Nagluto na ako para sa iyo." sabi sa akin ni Dj at nauna nang lumabas ng kwarto. Cute talaga ng asawa ko kanina!! ^_^
Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba na.
"Ate Ela, asan nga pala si Dj?" wala kasi siya dito sa dining room.
"Umalis siya Kath eh. Sabi niya pinapupunta daw siya ng mama niya sa bahay nila." tumango na lang ako at simula ng kumain. Kasabwat talaga namim ang mama ni DJ para sa suprise party eh. Actually, kasali sina Diego sa pagsusuprise kay Dj. Ganito kasi iyong nangyari...
*Flashback*
Nandito kami ngayong ng barkada sa tambayan namin dito sa school.
"Guys, naaalala niyo ba kung ano ang meron ngayong darating na saturday?" tanong ni Diego sa amin.
Alam ko noh! Ako pa! Birthday kaya iyun ng asawa ko.
"Diba, birthday iyun ni DJ?" tanong ni Ej.
"Oo nga pala!! Excited na ako! Diba nga last year, sinurprise natin siya!" sabi naman ni Kiray na mukhang excited talaga tignan.
"Ano guys, magsusurprise na naman ba tayo ulit sa kanya?"
tanong ni Julia.
"Sus, wag na." pabulong na sabi ni Quen. Ano ba talaga problema nito kay Dj?
"Oh ano na?" tanong ni Julia.
"Surprise ulit!" sabay sabay na sigaw naming lahat. At nagtawanan kami.
"Sino ba mag papaalam sa mama niya?" tanong ni Diego.
"Ak------- I mean s-si Julia.." Malapit na iyun ha >.
"Sige, ako nag papaalam kay tita Karla." sabi naman ni Julia.
Nag-usap usap kami tungkol sa plano sa birthday niya at ang venue ay sa beach resort nina Diego.
*End of Flashback*
"Ate Ela, sunod na po ako kay Dj." sabi ko. Kakatapos ko lang kumain. Pumunta na ako sa itaas at nagsuot lang ng Red na shirt at white pants na tinerno ko sa yellow ko na vanz na sapatos.
"Manong, sa bahay po ni Dj." sabi ko kay manong.
*House of Dj*
*Dingdong*
![](https://img.wattpad.com/cover/29278758-288-k211757.jpg)
BINABASA MO ANG
Secretly Married with HIM (kathniel)
Teen FictionNot everyone is real and not everyone is trusted