Chapter 10: Gratitude

203 17 4
                                    

Godfrey



Unconsciously, I just found myself tracking the address that Egleia gave me in a scratch of paper. The mixed emotions I have right now leads me in a place where the evident of help can make my Lolo back. With the help of the staff, I am right now standing at where Egleia located. They're living in a decent fancy blocks of flats wherein people are very sophisticated and conspicuously wealthy.

Parang anumang oras ay bibigay na ʼyong tuhod ko dahil sa patong-patong na nararamdaman. Bumuntong-hinga muna ako bago kumatok sa pinto. Naghintay ako ng ilang segundo saka bumukas ang pinto.

Nakakapagpabagabag sa damdamin sapagkat parang may kulang sa akin ngayon, parang nawawalan ako ng gana mabuhay pa. Ang gusto ko lang naman ay mamuhay nang payapa at masaya. Sadyang mapaglaro ba ang tadhana o sadyang tuso lang ang mga taong namumuhay sa mundong ibabaw?

“Godfrey?!”

“Ay pitongpuʼt pitong puting pating tupang ina ka!”

Huminto saglit ʼyong tibok ng puso ko dahil sa gulat. Hawak-hawak ko ang aking dibdib habang galit na tumingin sa babaeng halos lumubog na sa lupa kung makahalakhak. Nang halos matapos na siya kakatawa, pahid-pahid ang luhang sinenyasan niya akong pumasok.

“Grabe ka naman pala magulat, Godfrey. Kulang na lang murahin mo na ako.” Natatawa pa rin siya habang iniimbitahan niya akong umupo. “Naparito ka? Nagbago na ba isip mo? Sasama ka na sa amin? Bilis mo naman pala magdesisyon.”

Kunot-noo ko pa rin siyang tinignan nang maalala ko ulit iyong Lolo ko. Biglang naging blanko ang mukha koʼt tinignan siya. “Kinuha nila si Lolo.”

She was astounded for a seconds. Tumayo siya at nagtungo sa kusina kung saan may lalaking may edad na na nagluluto. May sinabi siya sa lalaki na siyang dahilan sa paglingon sa kinaroroonan ko. Pagkatapos ay pumunta siya sa kwarto nila para yata tawagin si Leonox. Silang tatlo ngayon ang nakaupo sa sofa kaharap ako.

Seryosong tumingin si Egleia sa akin. Sobrang tahimik namin. “Magkwento ka.”

Magkukwento na sana ako nang may narinig kaming mahinang ingay. Mayamaya pa ay may masangsang amoy ang pumalibot sa amin na siyang dahilan sa pagtakip namin ng ilong.

“Pasensya na, ako ʼyon. Hindi kasi ako nakatae kanina dulot ng pagdukot ng mga taksil sa Lolo ko,” nahihiyang wika ko habang kinakamot ang likod ng ulo ko.

“Tigas din ng isang ʼto, oh.”

“So, ayon na nga. Nagtungo ang mga taksil sa tahanan at kinuha si Lolo,” maikling paliwanag ko.

“At?”

“At ewan ko kung paano at saan nila nakuha iyong address ng bahay namin. Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto dahil nakadududa ʼyong tahimik. Pagtapat at pagtapak ko pa lang sa kwarto ay masama na ang kutob kung kayaʼt sa kisame ako dumaan.” Naramdaman ko na lang ang higpit ng hawak ko sa pantalon ko dulot ng poot at galit. “Nakita ko si Roger at ang Reyna ng Satania na nakabalot ng maskara.”

“Wait, so you're saying, the Queen of Satanian already showed up? Is she familiar to you perhaps?” Leonox asked.

Umiling ako. “No, she was wrapped in a snake skin and a mask with voice changer on it.”

Nababahid ang pag-alala sa mukha nilang tatlo at ikinasaya ko iyon. Ibig kong sabihin, kahit ilang taon na ang nakalipas simula noong nangyari ang mapait na nakaraan, batid kong naroon pa rin sa puso nila ang pagiging pamilya namin.

Ascendance Of The Ruined Kingdoms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon