Egleia
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Inis akong umupo at ibinuka ang dalawang mata. Bahagya akong napaatras nang nagising ako na hindi sa kwarto namin. Inilibot ko ang aking paningin at nalaglag ang panga dahil aa kagandahang taglay ng lugar na ito.
Pamilyar ang lugar na ito. May malaking talon sa harapan ko, mga naglalakihang puno, mga ingay ng mga hayop na dumadagdag sa pagkamahinahon ng paligid. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang anino sa likod ng talon.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang dahan-dahang lumalapit sa talon. Alam kong nanggaling na ako sa lugar na ito ngunit hindi masyadong malinaw sa isipan ko kung kailan.
Natuon ang atensyon ko sa lawa. Napakalinaw ng tubig. Makikita ang mga bato at mga isda na masayang lumalangoy. Naiinggit ako sa kanila, palangoy-langoy lang.
Ngunit hindi ako mapakali habang nagliliwaliw sa lawa dahil parang may kung anong titig ang bumabagabag sa akin. Pinagmasdan ko ang kapigirin kung may kakaibang nilalang bang pinagmamatyagan ako.
Napaatras ako nang may sumigaw sa loob ng talon. Nalaman kong isa itong malaking kweba dahil dagundong. Sinuri ko nang mabuti kung ano ito dahil sa sobrang laki nito at ungol nito, natitiyak kong ang napakalaking agila ito.
Sinubukan kong magsalita ngunit walang lumalabas na ingay mula sa bibig ko. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa talon. Halos mahulog ang puso ko nang maging isang sinkhole ang lawa. Sinubukan kong palabasin ang aking ikalawang antas at nagtagumpay naman ako.
Ginamit ko ang pakpak ko upang makatawid sa butas at inihanda ang pana at palaso kung sakali mang may kung anong nilalang ang magbalak na sakyan ako.
Makikita ko na muli ang dakilang agila. Ngumiti ako at sinubukang pumasok sa talon ngunit nang mahawakan ko ang tubig ay pwersahan akong tumalsik papalayo.
Napabalikwas ako dahil may kumalabog sa labas ng kwarto namin. Inilibot ko ang aking paningin at nasa kwarto na ako. Hinawakan ko ang sarili ko kung may masakit ba sa katawan ko dahil sa pagkatalsik ko panaginip ko.
Panaginip lang iyon, Egleia.
“What was that?”
“Sobrang aga pa, bakit kayo nagdadabog?”
Nilingon ko ang dalawa na naalimpungatan din sa ingay sa labas. Tumayo ako at nag-inat muna bago tignan kung ano ʼyong kumalabog. Pagkabukas ko ng pinto ay duguan na Almiro ang bumungad sa akin.
“Almiro!”
Tinignan ko ang nakalupaypay na si Almiro. Sobrang dami ng sugat at may palaso pa akong nakita sa kaniyang likod. Bugbog-sarado ang kaniyang mukha, may nabakas na latigo sa likod niya, at mga pasa sa likod ng binti.
“Mga bata kayo, oo, ang aga---”
Hindi na natuloy ni Lolo Arnold nang makita sa sahig si Almiro. Agaran itong tumakbo at tinignan ang pulso.
Naramdaman kong nasa likod ko na ang dalawa. Nag-alala ako kung anong nangyari kay Almiro.
“Anong nangyari?”
Tumingin ako kay Lolo Arnold at saka umiling. Umupo ako at hinawakan si Almiro. “Hindi ko alam. Nagising kami dahil may kumalabog sa labas ng kwarto namin. At ganitong sitwasyon namin naabutan si Almiro.”
“I think Almiro went to Santinakpan.” Sinuri niya ang likod ni Almiro hanggan sa dulo. “These were the traces from the chosen weapon of Queen of the Satanian.”
BINABASA MO ANG
Ascendance Of The Ruined Kingdoms
FantasySa ibang dako ng mundo, masaya at mapayapang namumuhay ang kaharian ng Gorillego, Leogardo, at Agilyana sa pamumuno ng magigiting na mamumuno. Ngunit sadyang tuso ang tadhana, umusbong ang inggit at pagkamuhi ng ibang kaharian na nagdulot ng gulo, d...