Egleia
"Surprise."Nakita ko si Godfrey na nakangisi sa akin. Kinawayan niya muna ako bago bumalik sa pakikipaglaban. Tinignan ko siya nang maigi, kung paano siya makipaglaban. Ang masasabi ko lang, bihasa siya gano'ng larangan. Ang lambot ng galawan niya at swabe ang ilag sa mga pag-atake ni Roger.
Nasa ikalawang antas na rin ang abilidad niya. May anino na sa likod niya kagaya kay Roger. Ang kay Godfrey ay isang gorilya, napakalaki na parang si King Kong, 'yong napanood ko sa palabas.
Hindi pa rin ako makapaniwala na ang hinahanap pala namin na Hari ng Gorillego ay matatagpuan lang dito sa paaralan na 'to, ang mas nakakatawa pa, kaklase at kaibigan ko pa. Sa ilang taon namin siyang hinanap at hinintay, narito lang pala sa paaralang 'to.
Umupo muna ako at nagpahinga. Hinayaan ko na lang muna sila maglaban. Gusto ko mang ipikit ang mata ko dahil sa pagod ngunit ayaw ng sistema ng katawan ko. Gusto ko munang makisigurado na ligtas si Godfrey at ako sa kamay ni Roger.
Naramdaman ko na lang ang sakit at kirot ng mga sugat at pilay ko sa buong katawan ko. Naramdaman kong may dugo ako sa noo, ang dumi na rin ng sarili ko na parang basahan na nilinis sa maalikabok na bintana. Bumuntong-hinga muna ako at tinignan silang dalawa.
Nakita kong sinasangga ni Godfrey ang mga pinapakawalang tira ni Roger gamit 'yong sandata niya. Lugi si Godfrey dahil wala itong sandata kagaya ni Roger-
Naputol ang pag-iisip ko nang pinatid ni Godfrey si Roger sa dibdib at tumalon sa ere. Itinaas nito ang kaniyang kamay dalawang kamay at biglang gumalaw ang anino ng gorilya sa likod niya. Naging hangin na itim muna ito bago naging parang tungkod. Isa itong mahabang kahoy na may batong bilog na pinapalibutan ng berdeng ugat at sa kabilang banda ng tungkod niya ay may matulis na tusok na nakabalandara dito.
Ang astig ng sandata niya! Para siyang makaluma ngunit matibay at nakakamatay na uri ng sandata.
Hindi na siya nag-aksaya ng panahon at tinamaan niya sa likod ng tuhod si Roger. Natumba ito at nahiga. Tutusukin na sana niya ng kaniyang sandata ngunit gumulong pakaliwa si Roger.
"Sa wakas, nahanap ko na rin ang dalawa sa tatlong hinahanap ko," nakangising wika ni Roger. Hinawakan niya 'yong tiyan niya at tumayo. "Nasaan na ang inyong k'wintas?"
"Kanina mo pa 'yan tinatanong, paulit-ulit ka?" naiinis na tanong ko sa kaniya. Tumayo ako at lumapit kay Godfrey. Yayakapin niya na sana ako nang sapakin ko siya sa mukha. "Ikaw rin, ilang taon ka na namin hinahanap, tapos ngayon ka lang magpapakita?"
Hinimas-himas niya 'yong natamaang mukha niya. "I want peace, okay? Ayaw kong mapahamak ang aking Lolo, masyado na siyang matanda para sa gulo."
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Oh? Gano'n ba? Paano 'yong magulang mo? 'Yong nasasakupan mo? 'Yong kaharian? Paano na silang lahat?" Napabuga ako ng hangin dahil sa inis at lungkot. "Sila ay nagdurusa sa kawalang-hiya na ginawa nitong mga taksil habang tayo ay nag-aaral at nagpapakasarap dito sa mundong 'to? Nag-iisip ka pa ba?"
"Nandito pa ako, baka nakakalimutan niyo." Napatingin kaming dalawa ni Godfrey kay Roger nang sumingit ito.
"Tumahimik ka!/ Shut up!"
Tumaas ang kilay niya nang sigawan namin siya. Itinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.
"You can't understand me, okay?-"
"Mas hindi mo ako naiintindihan!"
Natahimik saglit ang buong paligid nang sumigaw ako. Narinig kong tumawa si Roger kaya inis ko siyang nilingon. Nagulat na lang ako nang papunta na ang sandata niya sa 'min. Yumuko ako at sumigaw para guluhin si Roger. Napahawak ito sa tainga kaya kinuha ni Godfrey ang pagkakataon para patamaan si Roger.

BINABASA MO ANG
Ascendance Of The Ruined Kingdoms
FantasySa ibang dako ng mundo, masaya at mapayapang namumuhay ang kaharian ng Gorillego, Leogardo, at Agilyana sa pamumuno ng magigiting na mamumuno. Ngunit sadyang tuso ang tadhana, umusbong ang inggit at pagkamuhi ng ibang kaharian na nagdulot ng gulo, d...