Third Person Point of View
Nalaglag ang mga panga, nanlalaki ang mga, at walang salita na lumalabas sa mga bibig ng mga Hariʼt Reyna nang makita nila ang higanteng agila sa kalawakan. Maihahalintulad nila ito sa kalakihan ng dragon. Ang nagtitingkarang asul ng mga mata nito, ang nakabukang mga puting pakpak, at ang nagtutulisang mga kuko nito ay siyang kinakatakutan nila. Alam ng mga taksil sa sarili na magiging mahirap ang paglaban nila sa Agila, o may tyansa ba talaga silang labanan ito?
Sa pagkakasakal, kumurba ang labi ni Leonox nang makita nila ang pag-asa. Kalalabas lang ng araw at naabutan sila ng umaga. Bagong araw, bagong pag-asa. Naramdaman na lang nila ngayon ang mga sugat at pagod ng kanilang katawan.
Itinuwid ng higanteng agila ang kaniyang pakpak at diretso itinutok ang sarili sa katawan ni Egleia. Tila baʼy nagmistulang hangin ang nakita nilang agila at pumasok sa dibdib ni Egleia. Natilapon si Stephanie na kanina pa hinahawakan ang katawan ni Egleia. Mugto ang mga matang nagtataka sa nangyari. Tumayo ito at tinangkang lumapit sa katawan ni Egleia ngunit natigilan ito nang lumutang ito habang nakahiga pa rin.
Kitang-kita ng lahat kung paano lumutang si Egleia sa hangin. Nililipad ang damit niya at buhok ng hangin. Tumitingkad ngayon ang dibdib ni Egleia kung saan pumasok ang higanteng agila niya. Lumiwanag ang likod niya kung saan siya sinaksak ni Tania. Nagulat ang lahat nang maghilom ang sugat niya. Itinayo siya ng hangin habang nakapikit pa rin.
May kwintas na pumulupot sa leeg ni Egleia. Nagdulot ito ng kaunting bilog hanggang sa lumaki ito at bahagyang napaatras ang lahat dahil sa pwersang lumabas sa kwintas ni Egleia.
“Egleia... She's glowing, Godfrey!” nagagalak na ulat ni Leonox kay Godfrey na nanghihina.
Pagod na tumango si Godfrey.
“Shut up!” galit na sabi ni Roger at mas hinigpitan pa ang pagkakasakal sa leeg ni Leonox.
“A-Argh!” daing ni Leonox.
“Kumapit ka lang diyan, Leonox. Narito na si Egleia.” Ngumiti si Godfrey. “Nandito na ang pag-asa natin.”
Nainis yata si Tania nang makitang masaya si Godfrey. Itinaas nito ang latigo at buong pwersang tinamaan ang likod ni Godfrey. Hindi pa naghihilom ang sugat nito, malakas itong sumigaw.
“Argh!” malakas na sigaw nito at napahiga.
Mukhang mali ʼata ang ginawa ni Tania kay Godfrey. Dahil sa sigaw nito, nagising si Egleia. Napaatras sila nang makita ang mata ni Egleia.
Kagaya sa mata ng higanteng agila kanina, ang kaninang puting mata ni Egleia, ngayon ay napalitan na ng nagtitingkarang kulay-langit. Nililipad pa rin ng hangin ang kaniyang mga buhok. Una niyang itinukod ang kanang paa niya kasunod sa kaluwang paa niya sa lupa. Inilabas nito ang anino niya sa likod ag ginawang panaʼt palaso at ibinuka ang kaniyang mga pakpak.
“Let's end this chaos, shall we?”
Egleia
Napabalikwas ako nang makita kong purong puti ang bumungad sa akin. Naalala ko ang nangyari kanina, may kung anong bagay tumusok sa likod ko. Patay na ba ako? Hindi maaari!
Agad akong tumayo nang makitang pamilyar ang lugar na ito. Kung hindi ako nagkakamali, pangatlo ko nang punta rito! Inilibot ko ang paningin ko, wala pa ring nagbago rito. Nakuha ng talon ang atensyon ko. Hindi pareho noon, mukhang kalma lamang ang pagbagsak at pag-agos nito. Lumuhod ako at hinawakan ang tubig.
Ang lamig!
Kumuha ako ng kaunting tubig sa pamamagitan ng aking kamay at ininom ito. Ang sarap sa pakiramdam. Tumayo akong nakangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/237524804-288-k235144.jpg)
BINABASA MO ANG
Ascendance Of The Ruined Kingdoms
FantasíaSa ibang dako ng mundo, masaya at mapayapang namumuhay ang kaharian ng Gorillego, Leogardo, at Agilyana sa pamumuno ng magigiting na mamumuno. Ngunit sadyang tuso ang tadhana, umusbong ang inggit at pagkamuhi ng ibang kaharian na nagdulot ng gulo, d...