Godfrey
This feeling is unfathomable. It bothers me not because of the agony that Roger caused me, but the aura of Egleia right now that surrounds her. She looks powerful.
Nakatayo siya ngayon habang tumutulo ang luha. Makikita sa bandang tiyan niya ang sugat na dinulot ng latigo ng babaeng ahas. Pero tila hindi niya ʼata iniinda.
“Oh, she looks so scary,” aniya ng babaeng ahas.
Why is she using voice changer?
Hanggang ngayon ay sobrang sakit ng ginawa ni Roger. Hindi na maipinta ang mukha ko. Sa pagkakataong ito, hihilingin na lang na makatakas si Egleia.
“Tatayo ka na lang ba riyan---”
Hindi na natapos ang sasabihin ni Roger nang lahat kami ay magulat sa nakikita namin ngayon. Egleia...
“What the hell?”
“P-paano?”
Matingkad ang pumapalibot kay Egleia ngayon dahil sa malaking anino ng Agila sa kaniyang likod. Nasa ikalawang antas na ang kaniyang abilidad! Umiilaw ang iri ng mata niya na kulay-langit.
Itinaas niya ang dalawang kamay niya at mas lalong tumingkad ang agila.
“I summon the dominant wings of Eagle and...” Napapikit ako nang sinakop ng kaliwanagan ang paligid dahil sa ginawa ni Egleia. “...the Bow and arrow.”
“E-egleia...”
Nakalutang na siya ngayon sa ere. Ang matingkad na pakpak niya ngayon ay pumapagaspas na nagdudulot ng pwersa sa hangin.
Ang kaniyang pana ay gawa sa mga balahibo ng agila habang ang kaniyang palaso ay gawa sa matutulis na kuko ng agila. Itinaas niya ang pana at palaso niya at mayamaya ay itinutok kay Roger at sa babaeng ahas.
“Die.”
Sumigaw siya kagaya sa sigaw ng agila at binitawan ang palaso. Patungo ito sa direksyon namin kaya nagulat ako baka pati ako matamaan. Tumakbo sila sa magkabilang direksyon ngunit nalaglag ang panga ko nang sundan sila ng palaso.
Ang angas!
Nanlaki ang mata nila nang mapagtanto na hindi sila nilulubayan ng palaso ni Egleia. Wala silang nagawa kung hindi gamitin ang sandata nila para harapin ito. Ginamit ni Roger and kaniyang sandata para putulin ito habang ang ginawa ng babaeng ay itinali ito at itinapon.
Napaindak ako nang may humawak sa braso ko. Tinignan ko ito at ngumiti. Si Egleia. Mas malaki pala ang pakpak niya kung nasa malapitan.
“Ayos ka lang ba, Godfrey?”
Napaiyak ako at niyakap siya. Ramdam kong nagulat siya sa ginawa ko ngunit mayamaya ay niyakap niya ako pabalik. Humiwalay ako at tinignan ang kabuoan niya.
“Sobrang nagagalak ako makita kang nasa ikalawang antas.” Ngumiti siya at hinampas ako sa braso. “A-aray.”
“Wow, nasa binti ang sugat mo wala sa balikat. Kung maka-aray ka.”
“Narito pa kami, baka nakakalimutan niyo.”
Biglang naging seryoso si Egleia at hinawakan ako sa kamay. Napasigaw ako nang lumipad kami. Woah! Cool!
“Ikaw na ba ang aking anghel, Egleia?”
“Manahimik ka kung ayaw kong ilaglag kita.”
BINABASA MO ANG
Ascendance Of The Ruined Kingdoms
FantasySa ibang dako ng mundo, masaya at mapayapang namumuhay ang kaharian ng Gorillego, Leogardo, at Agilyana sa pamumuno ng magigiting na mamumuno. Ngunit sadyang tuso ang tadhana, umusbong ang inggit at pagkamuhi ng ibang kaharian na nagdulot ng gulo, d...