Stephanie
Hanapin mo sila...
That line will always be engraved in my soul until I found my purpose in this kind of world. I wasn't compelled to adhere what they have told me; however, everyone from the past insured the victory as it is a recourse to be ceased.
Nararamdaman kong malapit ko na kayong matagpuan. Whatever it takes, I'll risk everything. I'm incapable when it comes to your world but I profess to be capable of my strength. Everything comes to an end, but I won't allow the fate to end you effortlessly.
"Honey, that snake suit looks good on you."
Walang-buhay kong sinulyapan ang kakapasok lang na si mama. She's in her mid 40sʼ but her fashion taste and how she acts every time elegantly can able to hook every men.
Hinawi ko agad ang kamay niya sa likod ko nang tangkain niyang hagurin ang likod ko. I never let myself show affection and love to this family, not that I don't like it, but I don't want to get hurt myself at the end.
I rolled my eyes and stood up. "Enough with this, male-late na ako sa party. Where is your daughter?"
Kahit ganito ko sila tinatrato, tinuring pa rin nila akong pamilya. All these years since I was adopted to Guzman Family, never they show abhor or treating me a neglected child. Well, except for their daughter, Clarisse Guzman.
"She's coming---," naputol ang sasabihin niya nang may pumasok sa kwarto ko. It was her, Clarisse. She's wearing a Maleficent suit for the Cosplay Party. "Oh, speaking of, here she is! My two lovely daughter, it's fathomable that you obtained the beauty I have."
"She is your daughter," sarkasmong sambit ni Clarisse na diniinan ang "is".
"Yes, she is my daughter," tugon ni mama. Hinawakan niya kaming dalawa sa balakang at ngumiti. "You're all set, go and have fun!"
Tumango kaming dalawa at humalik sa magkabilang pisngi. Nakalabas na kami sa bahay at agad nahagilap ang kotseng gagamitin namin papunta sa school. Alas siete y media na ng gabi kaya nagmamadali na kaming sumakay. Nasa backseat kami pareho ni Clarisse.
Nagsimula nang umandar ang kotse kaya tahimik akong ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin. Binuksan ko ang bintana ng sasakyan kasi nakaugalian ko na itong gawin tuwing may biyahe o may pinupuntahan ako.
"Hey."
Hindi ko tinignan si Clarisse nang tawagin niya ako. Nanatiling nakatutok pa rin ako sa labas ng bintana. Ngunit narinig kong nagpatuloy pa rin siya.
"Did you do what I asked you to do?" Tumango lang ako bilang tugon. She hissed and immediately check her phone. "Let's start the party!"
Egleia
Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong tinanong ni Godfrey si Elle. Matamis na oo ang natanggap ni Godfrey mula kay Elle. Nalaman din nila Almiro at Lola Arnold at hindi naman sila tumutol basta lamang pagbutihin nila ang pag-aaral. Simula noong nagkasila, halos sa condominium na tumira si Elle, para silang magkakambal-tuko dahil sa hindi mapaghiwalay. Ngunit hindi ko sila pinapayagan magkatabing matulog, hinihila ko si Elle papunta sa kama ko. Hindi naman tumututol si Godfrey kasi alam niya namang hindi ako mapipigilan. Kaya tanging pagnguso lang ang nagagawa niya.
Kanina pa pabalik-balik si Godfrey sa kwarto namin sa katatanong kung tapos na ba kami ni Elle mag-ayos sa sarili namin. Nakaharap kami ngayon sa salamin habang naglalagay ng kolerete sa mukha. Hindi ko na masyadong kinapalan kasi hindi babagay sa suot ko ngayon ngayon kapag makapal.
![](https://img.wattpad.com/cover/237524804-288-k235144.jpg)
BINABASA MO ANG
Ascendance Of The Ruined Kingdoms
FantasySa ibang dako ng mundo, masaya at mapayapang namumuhay ang kaharian ng Gorillego, Leogardo, at Agilyana sa pamumuno ng magigiting na mamumuno. Ngunit sadyang tuso ang tadhana, umusbong ang inggit at pagkamuhi ng ibang kaharian na nagdulot ng gulo, d...