Egleia
Lumipas ang ilang araw na parang may namatayan sa kondominyum namin. Parang walang kabuhay-buhay ang lahat kung kumilos. Nahawa kay Godfrey na tanging tuwing gigising, biglang iiyak. Pagkatapos namang kumain, iiyak ulit. Hanggang sa madaling araw, naririnig ko ang mahihinang paghikbi niya hanggang sa makatulog siya. Noong isang araw, hindi niya namalayan na nakatulog siya habang nakalimutan niyang patayin ang kaniyang cellphone. Nakita kong tinitignan niya ang mga litrato na kasama si Elle. Hindi ko siya masisisi, sobrang saya nila na parang isang normal na magkarelasyon.
Tumingkayad ako habang sumisilip sa kwarto. Nasa baba ng pinto kasi sumisilip si Leonox at Stephanie. Nakipag-agawan pa ako kanina, ginamit ko pa ang pagka-reyna ko ngunit nilabanan lang ni Leonox si Stephanie.
Kasalukuyang naghahanda si Godfrey para sa huling pagkikita nila ni Elle. Nangyari ito matapos iyong araw na nakiusap siya sa harap ko habang nakaluhod. Hindi ko matanggihan ang mga mata ni Godfrey. Sigurado akong sobrang hirap kung ako ang nasa sitwasyon niya.
"Abot-langit ang ngiti ni Godfrey ngayon, ah?" biglang wika ni Stephanie habang patuloy pa rin ang pagsilip sa pinto. Nakabukas ito kaunti para may makita kami.
"He is definitely excited for their last date," dugtong ni Leonox.
"Manahimik nga kayong dalawa, hayaan niyo na ang Godfrey natin sumaya. Kahit ngayong araw lang," pakiusap ko sa dalawa.
Natigil si Godfrey sa kaniyang ginagawa at bumuntong-hininga. "Matalas din ang pagdinig ng isang gorilya, baka nakakalimutan niyo."
Napaupo ang dalawa sa narinig nila. Tumayo sila kaagad at dahan-dahang binuksan ang pinto. Napakamot pa ako sa likod ng ulo at kumaway kay Godfrey nang tuluyan na kaming nakapasok.
"Sobrang gʼwapo mo ngayon, Godfrey." Pinagpagan ko ang balikat niya nang makalapit ako. Tinignan ko siya sa repleksyon ng salamin. "Kaya pala nahulog si---"
Binangga ako ni Leonox sa balikat at sinamaan ng tingin. "Lunch is ready, Godfrey. Come and join us."
Humarap sa amin si Godfrey at ipinakita sa amin ang mensahe ni Elle. "Sabay kaming magla-lunch ngayon ni Elle. Sorry na lang kayo!"
"Wow! For sure, naghahanda na rin iyon si Elle. Sobrang gʼwapo ba naman ng date niya ngayon? Mapagkakamalan ka ʼatang sikat na aktor!" saad ni Stephanie habang inaayos ang kwelyo ng polo ni Godfrey.
Sobrang linis tignan ni Godfrey ngayon. Ang kayumanggi niyang balat ay bumagay sa simpleng polo. Bagong gupit din ito, hindi na magulo ang kulot niyang buhok. Nakasuot din ito ng gintong relo, habang ang kaniyang pang-ibaba ay nakamaong. Puting sapatos ang kaniya isinuot sa araw na ito.
"What are you waiting for? If I were in your shoe, I would not let my girl waste her time waiting for me. Her make-up and outfit might fade if you were still standing here," litanya ni Leonox.
Itinaas ni Godfrey ang kaniyang hinliliit at tinignan ang sarili sa salamin sa huling sandala. Halos makita na ang gilagid sa pagngiti nito. Humarap sa akin si Godfrey at niyakap ako nang napakahigpit.
"Thank you so much, Egleia! You're the best!" masayang wika niya.
Tumango-tango habang tinataboy siya papalabas na kunwari hindi ito nagdulot ng kiliti sa puso ko. Para niya akong ate sa ginawa niya. Naiiyak tuloy ako.
Nang makalabas na siya ay kaniya-kaniya kaming napabuntong-hingina. Napahiga pa ako sa mahabang sofa at napapikit ang mata. Saksi sina Stephanie at Leonox kung gaano kami pilit ng ipinapakitang masaya kami sa sitwasyon nila ngayon ni Elle. Hindi ko muna ipinagsabi kina Lolo Arnold at Almiro dahil natitiyak kong pagbabawalan lang si Godfrey makipagkita.
![](https://img.wattpad.com/cover/237524804-288-k235144.jpg)
BINABASA MO ANG
Ascendance Of The Ruined Kingdoms
FantasíaSa ibang dako ng mundo, masaya at mapayapang namumuhay ang kaharian ng Gorillego, Leogardo, at Agilyana sa pamumuno ng magigiting na mamumuno. Ngunit sadyang tuso ang tadhana, umusbong ang inggit at pagkamuhi ng ibang kaharian na nagdulot ng gulo, d...