Egleia
Sinulyapan ko si Godfrey at Elle na nag-uusap habang sinusubuan ang isa't isa. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanilang dalawa ngunit masaya ako para sa kanila. Medyo umangat na rin ang istilo ni Godfrey sa pananamit, hindi kagaya noong unang araw ng pasukan, sobrang lipas ng panahon.
Nasa cafeteria kami ngayon ng school. Naghahanda ang mga teacher ngayon dahil sa nalalapit na Cosplay Party ng school. Hindi ko nga alam kung magagalak ba ako o kakabahan dahil baka kay mangyari na naman na hindi namin inaasahan.
“Here comes the cheer leaders.”
“They're so beautiful! I envy them.”
“Nakaka-intimidate titig ni Clarisse!”
Biglang umingay ang cafeteria nang may grupong pumasok ngunit hindi namin ito pinansin dahil sanay na kami sa gano'n. Ewan ko ba kung may artista ba sa school na ito o ano. Kaming apat ang napahinto sa pagsubo nang maramdaman namin ang mga titig. Tumingin kami sa isa't isa at dahan-dahang sinulyapan ang grupo sa harap ng mesa namin.
Ito iyong mga babae na kasama nila Tania sa girl's locker ah?
Pinagkrus nito ang dalawang kamay at mataray akong tinignan ng tatlo. Pinagtaasan ko rin sila ng kilay saka sinuri mula paa hanggang ulo. Hindi lang sila ang marunong magtaray ano.
Hindi ko maipagkakaila ang kagandahang taglay ni Clarisse. Mahabang kulot at kulay ginto ang buhoy niya. Nakasuot siya ng croptop at fitted jeans kaya lumalabas ang perpektong kurba ng katawan niya. Habang ang dalawang nasa likod ay magkamuha. Kambal pala sila. Itim at hanggang balikat ang buhok ng isa samantala ang isa ay pupa at panglalaki ang buhok, mestiza ang kanilang balat at may katangkaran.
Bumuntong-hinga si Leonox. “Not again.”
Napakamot naman ng ulo si Godfrey. “Na naman?”
Mahina akong natawa sa reaksyon ng dalawa. Hindi pa nga namin nalalaman kung anong nais ng tatlo, baka gusto rin nila ang table kung nasaan man kami ngayon? Inilihis ko ang paningin mula kila Godfrey at ibinaling ito pabalik kina Clarisse.
“You're the least person I am expecting to meet, Clarisse. Oh, also, those two twin minions you have there.”
Taray, englishera ka na ngayon?
“Woah!”
“Pfft---”
“What the...”
“Oh, really? Well, news flash...” Pumitik siya at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. “I don't care.”
“Wala ka pa lang pakialam, anong ginagawa mo rito?”
“Well, I just think it is not appropriate to eavesdrop in someone's business. If you know what I mean.”
Naalala ko ang ginawa ko sa girl's locker room. Kahit aksidente iyon, hindi naman ako umalis agad-agad para irespeto ang pag-uusap nila. Ngunit, may pakinabang din naman ang pakikinig ko sapagkat nalaman ko ang ginawa nila kay Tania.
“And it is inappropriate to threaten someone just because you felt threatened to her beauty and energy. If you know what I mean.”
You hit the bullʼs eye!
Susugod na sana ang dalawang alipores ngunit pinigilan sila ni Clarisse. Matamis siyang ngumiti at inilapit ang bibig niya sa tainga ko.
“I am warning you, whatever-your-name-is. Do not meddle in someone else business, okay?” Lumayo siya at pinagpagan ang tela sa balikat ko.

BINABASA MO ANG
Ascendance Of The Ruined Kingdoms
FantasíaSa ibang dako ng mundo, masaya at mapayapang namumuhay ang kaharian ng Gorillego, Leogardo, at Agilyana sa pamumuno ng magigiting na mamumuno. Ngunit sadyang tuso ang tadhana, umusbong ang inggit at pagkamuhi ng ibang kaharian na nagdulot ng gulo, d...