Kabanata 7

1.2K 78 27
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

ILANG ARAW ANG LUMIPAS nang hindi kami nag-usap o nagkita man lang ni Rafael. Iniwasan ko na bumisita sa kubo o bukid nila dahil sa napag-usapan namin noong nakaraang araw ni Manang Jo. Kaya naman ginawa ko na lang abala ang sarili ko sa bukid namin.

Ngayong hapon ay tumulong ako sa pag-aani ng mga kamatis. Wala naman kasi akong assignment, o school activity na kailangang gawin kaya ito na lang ang ginawa kong pampalipas oras. Bukod naman kasi kay Ian, at sa ibang helper sa bahay ay wala na ‘kong makausap pa at magugulo. Hindi pa naman ako sanay kapag lumilipas lang ang araw ng walang ganap.

Katulad lang ng palaging gawi, namimigay kami sa mga kapit-bahay namin ng ani. Sa isang bilao ay nilagay ko ang personal na mga pinitas ko na kamatis na ibibigay ko kay Manang Tinay, ito na rin ang thank you gift ko sa kan'ya dahil lagi akong nanghihingi rito ng mga bulaklak.

Dahil tapos na rin naman ang pag-aani ay naisipan kong tumungo kina Manang Tinay para ibigay ang bilao ng kamatis. Imbis na dalhin ko pa ang bisikleta ko papunta sa kanila ay naglakad na lang ako, sasaglit lang naman ako para na rin magpahangin. 

Patungo roon, tahimik lang ang daan maliban sa pagaspas ng hangin na kasama ko. 

Nagitla na lang ako nang may sumitsit sa likuran ko. Nahinto ako sa paglalakad at inisip kung lilingon ba ‘ko. 

“Huy!” gulat sa’kin ni Paeng na nakasakay sa bisikleta n’ya. Napahawak ako sa dibdib ko at pasalamat ko na lang na hindi ko nabitawan ang bilao na hawak ko.

Agad-agad akong nag-iwas ng tingin dito at nagpatuloy na lang na lumakad. Naalala ko bigla na ang gulo-gulo ng itsura ko. Ilang buhok na ang nakatakas mula sa pagkakapusod ng abot siko kong buhok. 

“Oh, ba’t di ka namamansin?” pangungulit pa rin nito mula sa likod ko. Dumaplis ang mga mata ko sa direksyon n’ya kaya nakita kong umalis na ‘to sa bisikleta n'ya at tinulak na lang iyon habang nakasunod na lumalakad sa tabi ko.

Naglagay ako ng sapat na distansya sa’min kahit ‘di naman kailangan. “Huh? Wala lang…” tanggi ko sa boses na malapit na atang matalo ng hangin sa hina nang pagkakasabi ko. 

“Weh? ‘Di nga?” 

Binilisan ko ang paglalakad dahil naaasiwaan ako. Dapat naman ay ‘di ako magalit o magtampo sa kan’ya, pero hindi ko mapigilan. 

“Ano nga? Galit ka ba?” habol pa rin n’ya. 

“Hindi nga sabi!” Tinapunan ko na ‘to nang mga matang singkit dala ng inis. 

Natawa si Paeng dahil sa reaksyon ko. Oo na, alam ko naman na hindi ako madalas mainis, ni hindi ko kaya na magalit nang matagal.

“Sabi mo ‘di ka galit, pero ba’t gan’yan ‘yang mukha mo?” pang-aasar pa lalo nito habang may malaking ngisi sa mga labi n’ya. 

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon