Kabanata 18

881 48 9
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

NAGPATULOY ANG PROTESTA at nanatiling matatag ang mga magsasaka sa lupaing pinaglalaban nila isang linggo na rin ang nakalipas. Pero kahit gaano sila kaingay, hindi umaabot ang boses nila sa kianuukulan.

Naging matamlay ang mga dumaang araw. Simula kasi no'ng nakita ko ang gulo sa lugar nila Paeng ay hindi na ako bumalik doon. Hindi ko kayang makita na pinapaalis sila ng gano'n, kaya nagmukmok ako sa kwarto ko, hinayaan ko na lang na mag-umaga at matapos ang gabi habang nag-iisip sa mga posibilidad na mangyari kina Paeng. Iyon lang naman kasi ang magagawa ko, ang mag-isip.

Ngayong gabi, habang tahimik kaming naghahapunan, gusto ko sanang sumubok ulit na magpaalam kay Papa kung p'wede akong bumisita kay Rafael dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita.

"Pa..." tawag ko rito sa boses na kaunti na lang ay 'di na maririnig, nahihiya kasi ako. Katapat ko lang kasi si Papa, kaya mas tumintindi ang hiya kong sabihin ang hiling ko.

Tumaas naman ang kilay nito na nag-uudyok sa'king ipagpatuloy ang sasabihin ko.

"P'wede po ba 'kong pumunta-"

"Hindi p'wede," putol naman n'ya sa sasabihin ko.

Bumaba ang pares ng balikat ko. "Hindi pa nga 'ko tapos magsalita..." malungkot na wika ko.

"Walang pupunta sa kung saan. Dito ka lang, 'pag tumakas ka hindi na kita papapasukin dito," banta nito sa'kin. Alam ko namang hindi iyon seryoso, mahal na mahal pa naman n'ya ang babae n'yang anak.

Namagitan ang panandaliang katahimikan sa'min, wala naman akong ganang kumontra pa. Nilaro-laro ko ang pagkain ko dahil sabay buntong-hininga.

"Tsaka ka na bumisita ro'n 'pag maayos na," ani Papa pampalubag ng loob ko.

"Kailan ba kasi magiging maayos doon? Ang tagal na ng protesta nila, hanggang ngayon hindi pa rin tapos." Umirap ako dala ng pagka-inip.

"'Wag mong hilingin na matapos agad ang protesta nila," saad ni Papa, lumalim ang tingin n'ya na nagsasabi sa'king seryoso ang lumalabas sa mga bibig n'ya kaya dapat lang na makinig ako. "Dahil kapag mabilis na natapos ang laban nila, hindi mo alam kung maganda ba ang naging resulta."

Natigilan ako sa paglalaro ng pagkain ko, binalot ang isipan ko ng pangamba dala ng pag-uusap naming dalawa. Wala ng ibang salita ang kumawala pa sa'kin dahil hindi ko na rin gustong ipagpatuloy ang usapan namin. Matatabunan lang ako ng lungkot na ilang araw ko nang iniinda.

Natapos ang hapunan at bumalik na rin ako sa kwarto ko para magpahinga na kahit wala naman akong nadaramang pagod, mas nadarama ko pa ang pagkabagot dahil wala akong magawa sa bahay. Hindi ako sanay ng ganito.

Habang nakahiga na 'ko sa kama at hinihiling na sana dalawin na 'ko ng antok dahil mag a-alas dose na rin ng madaling araw ay ginising lang lalo ako ng pagka-uhaw. Bumalikwas ako mula sa pagkakahiga at lumakad palabas ng kwarto ko.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon