Para Kay Yngrid
(Side A)Dayang…
Ano bang sasabihin ko? Mamaya, maasar ka lang ‘pag narinig mo ‘to. Lagi ka na ngang nagagalit sa’kin, kaya pakiusap, pagbigyan mo ang kung anong maririnig mo rito, okay?
Huwag mo na lang pansinin kung may marinig kang tilaok ng manok, sanay ka naman na ro’n. Isipin mo na lang na may background music, para kang nasa paradise, may mga ibon, may mga manok, may mga baboy, maraming bulaklak tsaka madamo, at syempre may poging kumakausap sa’yo. Haha.
Pero heto, seryoso na...
Sandali, paano ko ba kasi sasabihin? Dapat pala nag-practice ako.
Hindi ka naman siguro manhid, ano? Alam mo naman na mahal na mahal kita?
Ang corny pakinggan, pero ‘di naman ako sinungaling. Basta, ‘yon na ‘yon. Kahit naman noon pa, mahal na kita. Naunahan mo lang ako sa pag-amin. Kaya pasensya na kung mas matapang ka kaysa sa’kin.
Simula pa lang no’ng mga bata tayo, iba naman na ang pagtingin ko sa’yo. Ang ganda-ganda mo, e. Iba rin ang trato mo sa mundo, kaya mo atang hanapan lahat ng tao, bagay o hayop pa man ‘yan ng mabuti. May kumpiyansa ka sa lahat ng bagay na hinding hindi ko gustong masira. At sa lahat ng aspeto, p’wede kang tingalain. Iyon na siguro ang dahilan kung bakit Dayang ang tinawag nila sa’yo.
Kung matatandaan mo, no’ng mga bata pa tayo, no’ng mga tanghali o hapon na naglalaro tayo, inuunahan ko na ang ibang mga kalaro natin na tayo ang magkakampi. Akala mo trip ko lang, ‘no? Crush kaya kita no’n. Tapos tawag ka pa nang tawag lagi sa’kin. Palaging, “Paeng, Paeng, Paeng!”. Lalo tuloy akong napapalapit sa’yo, kasi pakiramdamam ko ako lang ang kailangan mo.
Hanggang sa lumaki na tayo, akala ko hanggang doon lang ‘yong pagtingin ko sa’yo, pero minamahal lang kita lalo araw-araw.
Sa bawat kanta, ikaw ang naalala ko. Kaya nga kahit pakantahin pa ‘ko ng iba d’yan, ikaw at ikaw lang kakantahan ko. Syempre, special ka sa’kin.
Sa totoo lang, Dayang, lagi ko namang naiisip kung p’wede ba tayo. Umaasa ako na p’wede naman siguro, tanggap mo naman ako kahit ano lang ako, na kahit magka-iba tayo at layo-layo ng estado mo at estado ko. Pero hindi gano’n gumalaw ang mundo, hindi patas, kaya hindi ko na lang pinilit. Napagtanto ko na mas higit pa ang nararapat para sa’yo.
Alam kong nasaktan kita dahil nagsinungaling ako na hindi kita mahal katulad ng pagmamahal mo sa’kin. Pero may dahilan ako para do’n na sana maintindihan mo. Ang hirap para sa’kin na itanggi ko kung anong nararamdaman ko sa’yo.
Pangarap kita, kaya tinanggap ko na hanggang doon na lang ‘yon.
BINABASA MO ANG
Every 17th
Teen FictionWATTYS 2021 WINNER (YOUNG ADULT CATEGORY) Country girl Yngrid Bartolome only wanted two simple things: 1. To enjoy music 2. To enjoy music together with her best friend Rafael Castro Yngrid knew that deep inside her, Rafael holds a more important...