Every 17th
•••
Side A
Sorry, kung ngayon na lang naulit ang pagbibigay ko sa’yo ng mixtape. Kada gagawa kasi ako, hindi ko matuloy. Ayoko naman na puro hinagpis ang maririnig mo rito, alam kong ayaw mo no’n.
Rafael, kumusta ka na d’yan? Kung totoo man ang sinasabi ng iba na walang sakit na madarama d’yan, ‘yon lang sapat na. Panatag na ‘ko. Kasi dito…ang hirap-hirap pa rin, pero kailangan kong kayanin. Para kapag dumating ang araw na babalik ako rito, siguro malaking parte na ang naghilom. Na hindi na lang lungkot ang maaalala ko. Na mas maraming dadalaw sa isipan ko na naging masaya ako sa Idiyanale kasi parte ka ng lugar na ‘to.
Gusto ko lang malaman mo na, lahat ng ginawa mo...hindi napunta lang sa wala. Na sa tapang mo, nakamit na nila ang pinaglalaban n’yo. Kaya kapag madadaan ako sa bukid n’yo, o madadaan man ang iba at makikita nila ang masaganang mga tanim at malayang mga magsasaka...sana maalala ng lahat na may Rafael na lumaban para sa kanila.
Mahal na mahal kita, Rafael. At palagi kong hinihiling na sana noong magkasama pa tayo, sinabi ko ‘yon nang paulit-ulit at maraming beses.
Side B
1. Noel Cabangon - Kanlungan
2. Eraserheads - Ang Huling El Bimbo
3. Cueshe - Borrowed Time
4. Jimmy Bondoc - Hanggang Dito Na Lang
5. Color It Red - Paglisan
BINABASA MO ANG
Every 17th
Teen FictionWATTYS 2021 WINNER (YOUNG ADULT CATEGORY) Country girl Yngrid Bartolome only wanted two simple things: 1. To enjoy music 2. To enjoy music together with her best friend Rafael Castro Yngrid knew that deep inside her, Rafael holds a more important...