Kabanata 16

1K 54 25
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

NGAYONG ARAW AKO NAGTAPOS NG SEKONDARYA. Kanina lang ng umaga, natapos na ang yugto ng high school life ko. Masaya man na may halong lungkot, hindi naman ako naiyak kahit pa marami akong kaklaseng nadatnan na kulang na lang ay humagulgol dala ng bugso ng damdamin nila. Kahit pa natatawa ako sa mga itsura nila, naiintindihan ko na mahirap ang magpaalam sa paaralan, mga kaklase, at mga kaibigang nakasanayan mo na. Pero katulad ko na mas pumangibabaw ang saya kaysa lungkot, gano'n din si Miran na walang sinayang na luha at malapad ang ngiti nang magpakuha kami kay Papa ng litrato. Siguro alam lang naming dalawa na magkikita pa kami, panigurado ay ‘di naman n’ya ‘ko matitiis, at ganoon din ako sa kan’ya.

Pagkauwi sa bahay para sa saglit na pahinga ay agad din akong nagalaw para maging abala. Kasalukuyan akong nasa sala at nakikipag-usap kay Tita Ning. Tumawag kasi 'to para batiin ako dahil hindi s’ya nakauwi ngayong graduation ko, pero ayos lang naman sa'kin. Alam ko kung gaano s'ya kaabalang tao, at mahirap magpabalik-balik mula Maynila papuntang Idiyanale para sa iisang araw na okasyon. 

Makalipas ang ilang minutong pag-uusap ay ibinaba ko na rin ang telepono para putulin ang usapan namin. Paniguradong hinahanap na ‘ko nila Mama kanina pa.

Dali-dali na rin naman akong tumungo sa bakuran namin kung saan gaganapin ang handaan. Nakalatag na ang mahabang mesa na may puting tela. Ang mga halaman ang nagsilbing dekorasyon sa paligid, at dahil hapon pa lang ay may kataasan pa ang sinag ng araw. Ang totoong plano kasi ay mamasyal kami at kakain sa labas para magdiwang, pero naisip ko na dito na lang gawin ang kasiyahan dahil mas masaya kapag maraming dadalo. 

“Yngrid, dito ka na maupo!” tawag sa’kin ni Mama at itinuro ang upuang nasa gitna ng mahabang mesa, naroon na rin naman si Ian at prenteng nakaupo na. Abalang nag-aayos ng mga putahe sa mesa kasama ang iba naming mga helper. 

Kakauwi lang niya kahapon at nag 3 day leave s’ya para makadalo sa graduation ko. Siya ang nag-ayos sa’kin mula sa paglalagay ng make-up hanggang sa buhok ko na kinulot n’yang hanggang ngayon ay gano’n pa rin ang ayos. Naisip ko kasing bagay naman ang ayos ko sa suot kong dilaw na bestidang niregalo sa’kin ni Mama no’ng pasko pa na ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong isuot. 

“Lalabas lang po muna ako saglit,” paalam ko kay sa kan’ya. 

“Sa’n ka naman pupunta?” nagtatakang tanong nito. Hinawi n’ya ang buhok n’ya na tumakas mula sa pagkakapusod, nakalimutan na n’yang mag-ayos dala ng paghahanda para rito.

“Aayain ko lang po sila Paeng.”

Dumaplis ang tingin n’ya sa’kin. “Sige, basta’t bilisan mo, ha.”

Matapos payagan ay lumakad na 'ko patungong gate namin, pero palabas pa lang ako rito ay natigilan na ‘ko nang biglang tumambad sa harapan ko ang dapat na pupuntahan ko. Mukhang bago ‘tong paligo habang suot-suot ang isang simpleng polo at maong na pantalon. Nang magtama ang mga mata namin, sumunod na ang sabay na paggawad ng mga ngiti. 

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon