Every 17th
•••
MATAPOS NAMING MAGKAAYOS NI RAFAEL ay pinalipas namin ang hapon sa may kusina para mag merienda. Nagulat na lang kami nang biglang nagtatakbo si Ian sa kusina habang may laruang kotse na hawak-hawak n’ya sa taas ng ulo n'ya.
“Saan mo na naman nakuha ‘yan, ha?” tanong ko rito habang nakapalumbaba. Mukha kasing bago ang laruan na ‘yon kaya nagtataka ako. Sa pagkakaalam ko nga, binabawasan ni Papa ang pagiging spoiled nito kaya imbis na laruan ang pagka-abalahan ni Ian ay sinasama s’ya ni Papa sa kung saan-saan, mapa-bukid man ‘yan o saang lugar sa Idiyanale. Sa ganoong paraan daw ay mabawasan ang pagiging pilyo nito.
“Kay Tita Ning! Nandito na si Tita Ning!” excited n’yang sabi.
Nagkatinginan kami ni Rafael nang biglang rumehistro sa’kin kung sino ang tinutukoy ng kapatid ko.
Si Tita Ning!
Sumunod si Rafael sa’kin nang umalis ako sa dining table para tumungo sa sala kung saan naririnig ko na ang ingay ng isang babae. Kusang lumabas ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko ang isang babae na nakasuot ng dilaw na bestida na ang haba ay abot hanggang paa n’ya. May nakapulupot na scarf sa leeg nito, at suot-suot na shades na nagbibigay pansin sa maliit n’yang mukha.
Tumakbo ako papunta rito para bigyan s’ya ng yakap. Sinalubong ako nang amoy mamahalin n’yang pabango na naamoy ko lang tuwing nandito s’ya sa Idiyanale.
“Tita Ning, na-miss kita!” sambit ko habang yakap-yakap pa rin ‘to.
“Oh my, dear. I miss you too.” Gumanti s’ya ng yakap at mahinhin na tawa.
Bumitaw ako ng yakap para harapin ‘to. Tinanggal niya ang suot-suot n’yang shades na nagpakita ng mga bilogan n’yang mata na hawig ng kay Papa. Si Tita Ning ay ang bunsong kapatid ni Papa na taga-Maynila, sampung taon ang agwat ng edad nilang dalawa, pero sa itsura ni Tita Ning ay ‘di mo aakalain na nasa early 40s na ‘to, mukha pa rin kasi s’yang bata at dalaga. Kung tutuusin, mas mukhang alaga pa nga ni Tita Ning ang balat n’ya kaysa sa’kin. Wala akong makitang bahid ng fine lines sa mga mata at noo n’ya.
Siguro, perks ‘to ng pagiging single. Wala kasing asawa hanggang ngayon si Tita Ning. Sabi n’ya pa, malabo na rin daw mangyari ‘yon. In fact, hindi na raw s’ya naghahanap.
“I don’t need a man, I have everything I need,” ang lagi n’yang sinasabi sa’kin kapag tinatanong ko s’ya nang pabiro kung kailan s’ya mag-aasawa. Embedded na ang words n’ya na ‘yon sa utak ko.
Sabagay, bakit pa ba kakailanganin ni Tita Ning ng lalaki sa buhay n’ya? Successful woman s’ya. May business s’ya sa Maynila, landlady s'ya, at nakakapag-travel pa s’ya around the world. To be a woman like Tita Ning is already a dream.
Hinawakan ni Tita Ning ang magkabilang pisngi ko. “Yngrid, dear, lalo ka pang gumaganda. Buti na lang at nagmana ka sa Mama mo, at hindi sa Papa mo.”
BINABASA MO ANG
Every 17th
Teen FictionWATTYS 2021 WINNER (YOUNG ADULT CATEGORY) Country girl Yngrid Bartolome only wanted two simple things: 1. To enjoy music 2. To enjoy music together with her best friend Rafael Castro Yngrid knew that deep inside her, Rafael holds a more important...