Kabanata 30

964 52 26
                                    

Every 17th

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Every 17th

•••

SANA AY HINDI KO NA LANG PINAKAWALAN SI RAFAEL. Kanina noong magkayakap kami, sana naglakas-loob na lang akong pilitin na huwag na s’yang lumuwas papuntang Maynila kahit pa napaka makasarili ng hiling na ‘yon. 

Bakit ba kasi ang daya-daya ng mundo? Bakit kailangang may kuhain palagi sa’yo? Bakit kailangang may mawala? Bakit kapag lalaban ka para sa tama, ikaw pa ang masasakdal o manganganib? Bakit parang ang hirap-hirap ipaglaban ng tama?

At bakit kung sino pa ang dadanas ng hindi makatarungan, sila pa ang wala namang ginagawang masama?

Kung hindi ko itinanggi ang kumakain sa’king pangamba, sana ay hindi ako umiiyak ngayon at nagmamakaawa. Nagmamakaawa sa milagro na sana buhay pa si Rafael.

Magkasalop ang mga palad ko habang nakaupo sa hospital bench katabi ni Tita Ning, ni isa sa’min ay walang balak magsalita. Pareho kaming tuliro sa pangyayari.

Ang oras ng paghihintay rito para malaman ang kalagayan ng apat na taong naaksidente ay nagbigay lang ng umaapaw na takot sa’kin. Kada isang segundo na dadaan ay mahalaga sa’kin, at dala ng desperasyon ay ibinuhos ko ang lahat sa pagdarasal. Paulit-ulit akong nagdarasal sa isipan ko na hindi na ‘ko hihiling ng kahit ano pa, basta’t buhay lang si Rafael; basta’t humihinga lang s’ya, wala na ‘kong ibang gusto pa. 

Handa akong magdasal sa lahat ng Diyos, maibigay lang ang hinihiling ko.

Sunod-sunod ang pagdating ng iba’t ibang tao na may kinauukulan. Mga pulis, mga tao na nagtatrabaho sa radyo, telebisyon, dyaryo na lalo lang gumawa ng ingay. Sa mga sinasabi nila ay humihigpit ang pagkapit ko sa dibdib ko, ayokong paniwalaan ang mga iyon. Ayokong paniwalaan ang sinasaad nilang dalawang tao lang ang nakaligtas mula sa pangyayari. 

Sa dalawang taong iyon, gaano kataas ang tiyansa na kabilang doon si Rafael? Nakokonsensya akong isipin na makasarili ang hiling ko na kahit basta’t s’ya lang ang ligtas, mapapanatag na ‘ko. 

Nagising ako sa kalat ng pangamba na malapit na ‘kong kainin nang magsalita si Papa.  “Ligtas si Isagani,” anunsyo nito. Kitang-kita sa pawisang noo nito na pare-pareho kaming hindi nasa magandang kalagayan. 

Tumayo ako para harapin ito. “Si Rafael? Kumusta si Rafael?” 

Nawala ang titig sa’kin ni Papa. Lumunok ito, parang naghahanap ng tamang sasabihin sa’kin. Naglabas s’ya ng isang malalim na hininga, pero kahit ganoon ay hindi pa rin n’ya masagot ang tanong ko.

“Pa,” udyok ko rito. Naramdaman ko ang pagpatak ng isang luha sa pisngi ko, hanggang sa tuloy-tuloy silang umagos. “Pa, ligtas si Paeng, ‘di ba?”

Kung paulit-ulit kong sasabihin iyon, baka magkatotoo. Alam kong hindi ako iiwan ni Rafael sa ganitong paraan. Malayong iwanan n’ya ‘ko. 

Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Tita Ning sa balikat ko, marahil ay gusto akong yakapin. Pero hindi ko iyon pinaunlakan dahil naghihintay ako sa sagot ni Papa. Naghihintay akong sabihin n’yang ligtas si Rafael.

Every 17thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon