"Ly, willing naman si Ethan magpakasal sayo ah?" sabi ni Nice.
"But do he really need to give up everything for me? That's toxicity, Venice." sabi ko at tumingin ulit sa isa painting na nakakabit sa silid doon.
"Ly, if being toxic is the topic, that's you." napatigil ako sa sinabi ni Arziel. Nakita ko ang pagpigil ni Nice rito dahil sa pasimpling palo neto sa braso nito.
"You just don't push him when he's willing to do everything for you." sabi ulit nito.
"Arziel!" pigil ni Nice.
"Okay, I'm going out now. My mouth is not stopping for a preggy like you." seryosong saad nito at agad na umalis.
Sumapit ang gabi at binisita ako ni Mama. Ethan never called. I hate it but I'm looking for his presence.
"Magdahan-dahan ka naman kasi, Allyssa. Bakit mo naman kasi pinagbubuntunan ng galit si Ethan." sabi ni Mama habang nilalagay ang prutas sa night table.
"Ma, hindi kasi maintindihan ni Ethan." inis kong sabi.
"Allyssa, buntis ka. Isipin mo din naman ang bata. Pigilan mo din ang sarili mo sa pagkainis baka mapano ka pa." sabi ni Mama.
Hindi na ako nagsalita pa at tiningnan muli ang cellphone ko. Umalis muna si Nice sabi niya ay may kukunin siyang blueprint sa isang kasamahan na Engineer. Si Arziel ay hindi pa bumabalik siguro ay nagpapalamig muna. Naiintindihan ko 'din naman ang punto niya siguro ay sa sobrang inis kaya mas lalo pa akong nairita.
Nagmumuni lang ako hanggang sa dinalaw ng antok.
"Kanina pa iyan natutulog siguro ay napagod kanina. Pag pasensiyahan mo na, mahirap magbuntis." narinig ko ang pamilyar na boses ni Mama na tila may kausap.
"Narinig ko kay Nice na kanina ka pa sa labas ng kwarto. Pwede ka namang pumasok dahil kanina pa siya tulog." rinig kong dagdag ni Mama.
"I don't want to stress her out, Tita." halos mag-kagulo ang aking sistema ng marinig ang malamig na boses na iyon. Pinanatili kong ipikit ang aking mga mata at nag-panggap na tulog kahit pa ang totoo ay gising na ako.
Damn, mukhang alam talaga ng katawan ko na dapat kong gumising dahil nandiyan na iyong taong gusto kong makita kahit pa ay ito rin ang kinaiinisan ko.
"Oh siya, sige. Aalis muna ako, may pupuntahan lang saglit, mamaya pa 'yan magigising." sabi ni Mama.
"Yes, Tita. I called Nice too, ayoko din magtagal muna para hindi kami mag-away ni Ally. I don't want to stress her more." rinig kong sabi ni Ethan.
So aalis siya? Syempre Ally may away kayo eh. The fact that he's going to leave rather than staying with me make me angry, more.
"O, sige. Huwag na Tita, Ethan. Nabuntis mo na ang anak ko, Tita parin? Mama na itawag mo sa akin. Oh siya, aalis na ako. Babalik ako agad." narinig kong sabi ni Mama at tumahimik.
Narinig ko ang pagsirado ng pinto at ang kasunod na pagkatahimik ng kwarto. Ethan's perfume invaded my nostrils dahilan na gusto kong idilat ang mga mata ko at yakapin siya. I don't know! Naiinis ako, ayaw kong yakapin si Ethan but I think my baby wants it.
Nanindig ang balahibo ko at lumakas ang tibok ng aking puso nang
maramdaman ko ang mainit na palad ni Ethan sa aking mukha. His perfume got more exposed to me. Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg. Damn. Gusto 'kong mainis sa sarili ko. I want Ethan. I want to cuddle with him. But my self just don't want to reconcile with him."Sorry, baby. I love you."
Hindi magkamayaw ang sarili ko nang marinig iyon. Naramdaman ko ang malambot na bagay sa aking labi. He kissed me. Ethan kissed me. Naidilat ko ang aking mga mata but it's already too late dahil nakalayo na siya sa akin and he's arranging the fruits beside my bed.
YOU ARE READING
Shades of Flames (L'amour De Cebu Series #1)
RomanceAllyssa Buenconsejo, hated the idea of liking someone that will involve her past, but can she neglect the presence of Ethan Park? The guy who will try to have her way.