8

797 27 3
                                    

"Ally!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin and I saw Elliz running nagtataka kung bakit ako nasa ibang building.

"Why are you here?" takang tanong niya sa akin.

She's with her older brother na si Elliott John o EJ. Architecture 'din si Ej kaya hindi na nakakagulat kung bakit nandito si Elliz palagi. EJ is in his third year.

"Hey!" ngumiti ako at kumaway sakanila. EJ is smilling at me and he's walking with so much coolness. Gwapo din kasi itong si EJ at marami ang nagkacrush dito, kahit sa department namin.

"Uh," napakagat ako sa labi ko upang humagilap ng sasabihin. Anong sasabihin ko? Ano? Shit!

Bumaba ang tingin ni Elliz sa hawak kong paper bag na Penshoppe ngunit ang laman naman ay iyong Gucci na jacket ni Ethan. Wala akong Gucci na paper bag sa condo, iyan lang.

"May hinahanap lang akong klasmeyt ko noong Senior high." ipinakita ko ang paper bag. "I need to give him this." agad naman kumunot ang noo ni Elliz at ngumiti ng mapang-asar.

"Him? Hoy, sino iyang him na iyan? Baka kilala ko!" sabi niya.

Napanguso naman ako at tila pinagsisihan ang sinabi ko. Shit. Paano na iyan wala akong kilalang architecture dito. Shit talaga. Kainin nalang ako ng lupa. Bakit ba kasi wala akong kilala.

"S-Si....S-si—" Fuck! Bigyan mo naman ako ng pangalan, Lord.

"Si ano...Si....ano kasi...." nagsisimulan ng mamuo sa noo ko ang butil ng pawis. Taena, talaga. Tinaasan ako ni Elliz ng kilay tila hinahanapan ng butas ang mga sinasabi ko.

"Hoy, Allyssa Buenconsejo! Anong ginagawa mo dito sa building namin."
Nanglalaki ang mga matang nakita ko si Tenvor. He's one of my classmates in SHS and I never thought na dito pala siya nag-aaral.

"Ten! There you are! Kanina pa kita hinahanap!" agad akong umangkla sa braso niya na ikinakunot na noo niya.

"W-what?" naguguluhan niyang tanong. Nagtataka 'rin si Elliz at EJ sa kilos ko at patingin-tingin lang sa aming dalawa.

"Nandito ako dahil may ibibigay ako sayo diba?" Pinanlakihan ko siya ng mata at bahagyang inipit ang braso sa pagkakapit ko. Tila nasakatan naman siya roon at napipilitang tumango.

"H-huh... Ah, Oo!" he said flinching because of my glares.

"Ah, pakilala mo ako, Ally!" Tila kinikilig na tinitingnan ni Elliz si Tenvor na ngayon ay nalilito dahil sa mga senyales na binibigay ko. Kumunot naman ang noo ni EJ at sinimangutan ang kapatid.

"Ellizia!" singhal ni EJ sa kapatid.

Humagikhik naman si Elliz at inirapan si EJ.

"Ang kill joy ni Kuya." sabi ni Elliz habang ngumunguso. Nagpaalam na sila sa akin at ako naman ay binitawan si Tenvor.

"Hoy! Ano iyon? Ginamit mo lang ako?! Hindi ito maaari, Ally. Panagutan mo ako!" He hissed exaggeratedly that made me stopped my steps and glared at him.

"Ang OA mo! Yawa ka!" I said and he just laughed. Umakbay siya sa akin ngunit tinanggal ko iyon at sinamaan siya ng tingin.

"Sino ba kasi ang ipinunta mo rito?" pangungulit niya sa akin.

"Dito ka pala nag-aaral? Bakit ngayon lang kita nakita?" tanong ko pabalik binalewala ang sinabi niya.

"Oo dito, ewan, bulag ka siguro." sabi niya na may pang-aasar.

"Alam mo? Yawa ka?" he laughed hard because of what I said.

"Alam mo? Hindi ka parin nag-babago, Ally. Pikunin ka parin." He laughed hard while I'm still walking and finding someone. Nasaan na ba kasi iyong koryanong iyon.

Shades of Flames (L'amour De Cebu Series #1)Where stories live. Discover now