40

1.4K 40 10
                                    

"Ano ulit 'yon, Nice?" tanong ni Noellyn kay Nice na kumakain ng apple.

"Pag ba cold yung hotdog, hindi na hot? Colddog na?" naman ako sa irap ni  Arziel.

"Sige nga, paano pag hindi umulan? E'di hindi rainbow iyong rainbow?" sabi ni Nice.

"Rainbow parin. Lumalabas lang naman iyang rainbow pag may ulan. There's a rainbow always after the rain." sabi ni Noellyn.

"Wala nga'ng rain." ngumungusong sabi ni Nice na ikinailing ko.

Sila lang naman nagkakaintindihan.

Tumunog ang cellphone ni Arziel at agad na kumunot ang kanyang noo ng makita ang kung sinong tumawag doon.

Matagal at bago niya iyon sinagot ay napangiwi siya bago lumayo ng kunti at papunta sa labas.

"Good afternoon, Doc." narinig ko ang sabi nito bago lumabas.

Nagkatinginan kaming tatlo ng makalabas si Arziel. Bakit may tumatawag sa kanyang Doctor?

"May kinukwento ba 'yon sa' yo, Nice?" tanong ni Noellyn.

"Wala naman," nakakunot na sagot ni Nice. Ipinagtataka kung bakit may Doctor na tumatawag sa kanya.

I shrugged. Arziel can handle that, she will tell if she can't handle it.

"Nag-usap na kayo ni Ethan?" tanong ni Nice.

"Sort of," I don't know but, I'm needy last night. Parang gusto ko siyang yakapin, ganoon? Ewan. Ngayon kasi naiinis ako pag nakikita ko siya. Mabuti at umalis iyon kanina bago ako gumising. Pinapasabing may pupuntahan sa site.

"Sort of? Why?" tanong ni Nice.

I shrugged. These days napapansin ko na sobrang moody ko. Katulad ngayon ayaw kong magkwento. I just want that question dismissed.

"Okay," Nice said smiling.

I'm just glad Nice understand me the best. Arziel is the short tempered one, kaya lumalayo nalang ito sa akin pag may gustong sabihin sa mga pinag-gagawa ko. Tila ayaw niyang masaktan ako sa kung anong salita na ilalabas niya sa kanyang bibig.

"Zayn visited me yesterday..." sabi ko na ikinawala ng ngiti ni Nice.

"He just paid a visit because he knew I'm pregnant." sabi ko lang.

"May ikwe-kwento ka ba, Venice?" I asked.

She looked at me with wide eyes at agad na tumayo.

"Ha? Bakit mo ako sinasali? Wala akong ikwe-kwento." sabi nito.

Madali itong nakalabas na ikina-iling ko.

Bumukas ang pinto at pumasok doon si Ethan. May multong ngiti sa aking labi nang makita itong papalapit sa akin ngunit agad na nawala nang makita ko kung sino ang kasunod nito. It's his Mom.

"Don't worry, babe. I already told her everything about us." Ethan kissed my forehead. "I lead my life and even Eomma can't do anything about my decision." He added.

"What's your decision?" I whispered.

"My only decision is to marry you, Allyssa. My only choice only lead to you and nothing else."  He whispered in my ear and kissed my right cheek.

Lumukob ang mabilis na tibok sa aking puso at ang mumunting paru-paru ay nagwala sa aking sistema. What Ethan said made me hyperventilate.

"What about Cheska—"

"You being my wife soon and to be the mother of my kids is the only thing that matters to me now. Anything else is beyond me." he whispered softly and kissed me in the cheeks again.

Shades of Flames (L'amour De Cebu Series #1)Where stories live. Discover now