"Oh? Ally! Tagal natin, ah? Late ka parin kahit college ka na!" Inirapan ako ni Arziel habang iniinom nito ang milktea nito.
"Gaga! Paki mo ba?! Late ka rin noon partida natutulog kapa sa klase! Zero ka nga eh!" Pang-aasar ko rito at nilapag ang librong hawak ko sa lamesa ng mga ito.
"Oh, libre ko, order na!" Sabi ni Noellyn na ngayon ay mapang-asar akong tiningnan na sinagot ko lang ng irap.
"Anong flavor nyang sayo, Nice?" Tanong ko kay Nice na ngayon ay nagseselpon habang sinisipsip yung straw ng miltea nya.
"Aba, ewan ko. Oreo ata yun." Inirapan ako nito.
"Istambay na ata kayo dito sa Gentlemen, ah!" sabi ko sa mga ito.
Tumalikod ako sa kanila at pumunta na sa counter.
"Cookies 'N Cream, Miss." Sabi ko rito na agad naman nitong ginawa at binigay sa akin. Matapos magbayad ay agad akong bumalik sa table namin.
"Oh, kumusta pagiging kolehiyo natin?" Natatawang saad ni Arziel.
Napailing-iling naman ako sakanya. Our classes was June while hers is still August and its still July kaya ito walang ginawa ang gaga.
Binuksan ko nalang ang bag ko at nilabas yung SAS na sasagutan.
"Oh? May gagawin kana, Ally? Aba't umaabante tayo? Nagiging competitive kana? Are you GC?" Panunuyang saad ni Arziel na ikinatawa ni Nice.
"GC? You mean Group chat?" Nakakunot noong saad ni Noellyn habang pilit na iniisip kung anong ibig sabihin 'nun.
"Boba! GC, Grade Conscious!" Singhal ni Arziel rito.
Inirapan ko naman si Arziel. Her corny jokes really turn our heads up.
"Bakit ba wala kapang pasok? Ingay mo! Wala ka gurong ginawa sa condo nu? Naglinis kaba roon?!" Singhal ko rito.
"Gaga! Tanong mo sa school namin, limang buwan akong walang ginagawa dahil August pa yung pasukan namin. Oo, kanina. 'Di ako tulad mo uy!" Singhal ulit nito sa akin.
"Oh? Wala na kayong klase? Sabay tayo umuwi?" Sabi nito sa amin habang may tinitipa sa cellphone nito at sipsip ulit sa straw nito.
"Mga gaga! May klase pa ako, calc!" Sabi ni Nice sa amin habang may inisketch na elevation ng bahay.
"Engineering ka pa, bakit ba nagprivate kayo! Sama kayo sa State University, tulad ko walang tuition. " Sabi ni Arziel at nakakalokong ngiti ang binigay sakin.
"Naka'tsamba ka lang sa entrace exam 'dun uy! Wag kang mangarap! Naawa sayo yung examiner kaya ka pinapasok!" Pang-aasar ko rito. Tinaponan naman ako nito ng tissue na tinawanan ko lang.
"Tahimik ni Noellyn. Kapal ng librong hawak mas makapal pa sa salamin. Hanapan mo nga kami ng gwapo 'dun sa San Jose. Partida nasa Nursing ka pa!" Sabi ni Nice rito.
"Taena mo, Nice. Trip mo talaga yung mga med eh!" Singhal nito pabalik kay Nice.
"Oh, hintayin ka namin. Pupunta muna kaming grocery. Bilisan mo! Pede ring magcutting kana! Tinitulugan ko lang calc nuon eh! Dika babagsak isang absent uy!" Sabi ni Arziel kay Nice.
Inirapan naman sya nito habang inaayos ang suot nitong backpack.
"Yabang mo, Gago! Ekis ka sakin! Hina mo parin!"Singhal ni Nice rito at tumalikod na.
"Hintayin nyo ako!" Sigaw ulit nito at lumabas na sa Gentleman.
Napailingiling nalang kaming tatlo at inaayos na rin ang ibang gamit. Lumabas din kami sa shop at nag pasyang pumunta ng Savemore.
YOU ARE READING
Shades of Flames (L'amour De Cebu Series #1)
RomanceAllyssa Buenconsejo, hated the idea of liking someone that will involve her past, but can she neglect the presence of Ethan Park? The guy who will try to have her way.