2

1.2K 36 2
                                    

The whole day of all of my subjects are just plain. Istambay ako sa library hanggang sa grounds. Minsan rin sa parking pag nagagawi kasama ang ibang kaklase.

"Malapit na pala exams," Narinig kong sabi ni Cherry na ngayon ay may hawak na SAS.

"Prelims na!" Natatawang saad ni Elliz.

"Gaal tayo pagkatapos nag prelims!"Sabi ni Cherry habang naglalakad kami papalabas sa ng SouthWe.

Mukhang majejeep nalang ako, may lakad ata si Noellyn hindi nya ako masusundo. Gaal is another term for Gala! It's a backward words of 'laag' which means gala to Cebuanos.

"Ally? Walang susundo sayo?" Nagtatakang sagot ni Elliz na ngayon habang nakakunot ang noo.

"Asan ba si Noellyn?" Tanong ni Cherry.

Tumigil ako sa gilid at sasakay nalang ng jeep patungong Emall. While waiting for the 01k jeep, may ibang estudyante ring naghihintay pa roon. Mukhang rush hour kaya puno lahat ng jeep na dadaan. Alas 7 na ata ng gabi.

"May gagawin daw muna siya." Sagot ko sa mga ito.

Napatingin ako sa langit at nakitang may mumunting tubig galing roon at wala man lang bituin.

"Badtrip!"Bulong ko ng maramdaman na uulan na ata.

Sumilong muna kami ganoon din ang ibang estudyante.

"Byers!" Sabi ni Cherry ng dumating ang Papa nya na naka motor, si Elliz naman ay nakakita agad ng jeep. Pinauna ko na, mamaya nalang ako, hihintayin ko nalang na tumila.

Puno parin yung jeep at nagtutulakan pa ang iba. Mas lumalakas pa ang ulan kaya kinuha ko na phone ko at nagtext na kay Noellyn.

To: Beshywap Noellyn

Hey? Still busy? Hindi ako makasakay ng jeep. Can you pick me up?

I hit send and try to find a jeep again.

Napabuntong hininga ako dahil wala parin. Mukhang dito nalang siguro ako magdamag. Wag naman sana, may review pa kami bukas.

I sighed as I stare at the sky with raindrops. Paniguradong babaha ngayon sa Colon, kaya mahirap sumakay ng jeep. Yung iba hindi na lumulusong eh.

Naglakad nalang ako ng ilang distansya pa malayo sa nag-aantay ng mga jeep. Baka kasi may bumaba rito, atleast walang kaagaw.

Isang itim na BMW ang tumigil sa gilid ko ngunit hindi ko pinansin baka magpapark lang.

Patuloy ako sa pag-aantay ng jeep. Hindi pa nagrereply si Noellyn at halos mawalan na ako ng pag-asa. Mukhang dito nalang ako matutulog.

"Miss? Are you okay?" Agad akong lumingon at napatigil ng makita kung sino iyon.

Yung lalaki 'dun sa Emall. Yung koryano. Yung gwapo.

I instantly bit my lower lip may kukunti pa lang ulan na nararating ang kinatatayuan ko. Yung kung sumisilong ay  distansya pa sa akin kaya medyo nabasa ako sa ulan.

"Miss? Are you cold?" Agad nyang hinubad ang jacket na suot. Hindi ko sya masagot dahil tila nanginginig ang labi ko sa lamig.

Fuck! Ba't ngayon ko lang napansin na nauulanan pala ako.

Nilagay nya ang jacket sa balikat ko at nakakunot noo na sya. Tiningnan nya ang dumadaang jeep at ibang estudyante na naghihintay na makasakay.

"Hey? Miss?" Ngayon ay tila nag-aalala na sya at hindi alam ang gagawin. Tumikhim ako at umayos ng pagtayo.

"O-Okay, lang..." Mahina kong sabi.

Shades of Flames (L'amour De Cebu Series #1)Where stories live. Discover now