Hindi alam ni Max kung ipagpapasalamat ba niya ang balitang nanggaling kay Laby dahil kalagitnaan ng maulang gabi, bumalik na sila sa kuweba sa loob ng talon. Nagkanya-kanyang sipol na lang sila para tawagin ang ibang nagbabantay sa palibot niyon para mapag-meeting-an ang susunod na gagawin.
Nakapalibot sila at nakatayo malapit sa apoy at sinusubukan pa ring isama ang tatlong babaeng nakahiga sa gilid na wala pa ring malay.
"So . . . they are the alters," di-makapaniwalang tanong ni Laby habang nakatingin kina Jocas. "And they passed out because . . . something's happening to Arjo."
"Yes, exactly," sagot ni Armida.
Napaisang iling si Laby habang iniisip ang tungkol sa pagkawala ng mga malay nito na konektado sa milyang layo ni Arjo.
"If I'm not mistaken, this is the same process of cutting the dissociation for a psychological disorder," kaswal na sabi ni Ran sa kanilang lahat.
"Yeah, probably it is," pagsang-ayon ni Laby habang kagat-kagat ang kuko ng hinlalaki.
"Wait," putol sa kanila ni Mephist at tinuro-turo sina Laby at Ran. "You both know what's happening here?"
Tumango naman si Ran. "Kami lang ni Laby ang kayang maka-interpret ng Project RYJO."
"WOW," bilib na nasabi ni Razele.
"Pero masyadong sensitive ang gano'ng operation. Bubutasin nila ang ulo ni Arjo. Experimental procedure lang 'yon para sa nakaka-experience ng severe case of schizophrenia."
"Pero walang schizophrenia si Arjo," gulat na paliwanag ni Armida. "Wala siyang kahit anong psychological disorder." Palipat-lipat ang tingin niya kina Ran at Laby. "I know, hirap mag-focus ang anak ko, at mahilig siyang gumastos, but I don't think that's a severe problem."
"You don't understand," sabi ni Laby.
"What is it that I don't understand?!" galit na sigaw Armida. "May ginagawa sila sa anak ko na wala naman sa usapan!"
"Hey, hey, calm down," pag-awat ni Josef at hinawakan sa balikat ang asawa niya.
"Ma, I asked Xerez to take care of Arjo. I trust him," katwiran ni Max.
"NO," mabigat na nasabi ni Laby at natulala sa apoy.
"What no?!" sigaw ni Armida.
Umiling si Laby. "H-Hindi lang kami ni Ran ang kayang mag-interpret ng project . . ." Tulala niyang natingnan si Ran.
Ilang saglit pa, napaawang ng bibig si Ran at naituro si Laby. "Xerez . . . shit." Napasapo siya ng noo at isa na rin sa natulala.
"W-What's with Xerez?" tanong ni Josef habang palipat-lipat ang tingin kina Ran at Laby.
"If Xerez is in this picture, then I'm sure, he's trying to save Arjo from . . . possible dysfunctions?" hindi siguradong sagot ni Laby. "He's trying to prolong Arjo's life."
"Wait—dysfunctions of what?" inis nang sinabi ni Armida at napapalakad-lakad na lang sa puwesto niya dahil naiirita na siya sa usapan nila.
"Okay, ganito," panimula ni Laby at naglahad pa ng mga kamay para magpaliwanag. "Arjo is made to die."
"Ah, come on," nainis na rin si Max dahil narinig na naman niya iyon. Napataas na lang siya ng magkabilang kamay at saglit tumalikod sa kanila.
"Yes, we know she's made to die—for me! O, tapos?" inis na tanong ni Armida.
"Mas mataas ang mortality rate ni Arjo," si Ran na ang nagpaliwanag dahil nakaramdam na may hindi sinasabi si Laby sa kanila tungkol sa katotohanan. "Compare sa normal human life, imposibleng makatagal si Arjo nang higit pa sa 30 years old. By this time, nasa kalahati na siya ng buhay niya."
BINABASA MO ANG
Hunting Project: ARJO (Book 8)
ActionWala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Nagunaw ang mundo nya sa pagkawala ng buo nyang pamilya Ngayon, magbabayad ang dapat magbayad. Maniningil na sya ng pagkakautang ng may atraso sa kanyang buong pamilya...