25th Hunt: Perspective

5K 182 17
                                    

Humahangos sina Ran paikot sa isla, pabalik sa talon. Isang oras na pagtakbo at ilang beses na paghinto, alam na nilang pare-pareho na wala na silang dadatnang skycrane sa tabing-dagat. At kung may isang bagay na ikinagulat nila pagdating na pagdating sa talon.

"Nasaan sina Josef?" pambungad na tanong ni Laby kay Max na naghihintay lang doon at kinakabahan na dahil isang oras nang hindi bumabalik ang mga magulang niya.

"I want to go to find them, pero nangako ako kay Mama na babantayan ko 'tong talon," mariing paliwanag ni Max sa grupo nina Laby. Napapasuklay na lang siya ng malagkit na buhok habang palakad-lakad sa malupang bahagi ng harapan ng talon.

"Gaano katagal na silang nawawala?" tanong ni Ran.

"Mula no'ng sugurin kami rito ng mga player. Higit isang oras na."

"Sinugod kayo rito?" takang tanong ni Ran. Napaisip siya sa susunod na gagawin.

"Mauuna na kami sa tabing-dagat," alok ni Smoker. "Baka nandoon sila."

"Wait," pigil ni King sa kanila. Napatingin silang lahat sa kanya at napansing nakatingin siya sa direksyon ng tabing-dagat. Pagtingin nila roon, napatayo sila nang diretso nang makakita ng mga taong nakasuot ng overall camouflage and mask. May dala-dala ang mga ito na mahahabang klase ng baril.

"Oh . . . shit," nasabi ni Smoker at napatingin sa balikat niya. Mabilis niyang kinuha roon ang isang dart na nangalahati ang lamang likido na kulay dilaw at tiningnan silang lahat. "Run."

Eksaktong paghakbang niya paatras ay bigla siyang nawalan ng balanse at bumagsak na lang sa lupa.

"RUN!" sigaw na naman ni King at nagpulasan silang natitira doon.

Sinubukang umakyat ni Max sa mabatong bahagi ng talon. Pumaling siya pakanan at sinalo ng kaliwang kamay ang dart na muntik nang tumama sa kanang likod niya.

Sobrang nagpapasalamat siya dahil sanay na sanay siyang binabato ng mama niya ng kung ano-ano sa napakabilis na paraan, hindi siya nahirapang umilag. Iyon nga lang paglingon niya sa ibang kasama, bumagsak na si Ran. Ganoon din si Laby. Si King, katatanggal lang ng dart sa dibdib nito.

"Fuck!" mura niya at tumalon na sa tubig saka mabilis na nilangoy ang patungo sa kuweba sa loob ng talon.




Sa kabilang isla . . .



Inaasahan ni Cas na magkakagulo sa magiging Annual Elimination sa taon na iyon nang baguhin ng bagong Fuhrer ang rules. Hindi lang niya inasahan na mas malala pala ang mangyayari ngayon.

Hindi pa natatahimik ang linya ng mga Guardian mula nang tangayin ng mag-asawang Zordick-Zach ang mga outside player ng Annual Elimination. At isang oras nang hostage nina Armida ang mga player na dapat ay patungo na sa Distrito Mortel. Hindi lang niya alam kung hostage ba talaga nito ang mga player dahil wala namang nagbabago sa tinatahak nitong direksyon na patungo pa rin sa kasunod na pagdarausan ng laban.

"Lady Cassandra, nagtatanong na ang mga Ellis kung kailan ire-release nina Lord Ricardo ang player nila. They're insisting that this is against Citadel Conventions articles between both parties."

"Lady Cassandra, nagpadala na ng written warning sa Citadel ang mga Del Sierro. Kailangan nang pakawalan nina Lady Evari ang player nila kundi magiging conflict iyon sa pamilya."

"Lady Cassandra, gustong makausap ni Mr. Barry ang handler ng Kill for Will ngayon. Kung hindi, babawiin nila ang sponsorship at iba-blocklist tayo."

Hunting Project: ARJO (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon