Madaling-araw ng kinabukasan matapos ang pagsabog sa bahay ng mga Malavega . . .
Naglalaro lang ng stress ball si Armida habang nakatingin sa malaking bookshelf. Nakahiga siya sa isang reclining chair habang nandoon nakatayo sa dulo ng upuan si Josef para panoorin siya at ang ginagawa sa kanya.
"Jin, are you sure about this?" paninigurado pa ni Rayson habang nag-se-setup ng IV transfusion set.
"Wala akong choice. Kaya nga pinasama ko sa 'yo 'yang kaibigan mo, di ba?" sarkastikong sagot ni Armida.
Isang bag na lang ang natira sa huling donation ni Arjo. Hindi sigurado si Rayson kung gaano katagal ang epekto niyon sa katawan ni Armida. Kaya kinakabahan siya sa kung ano ba ang plano nito at gusto nitong gawin matapos iyon.
May makinang magbabasa ng vital signs ni Armida ang naka-standby sa gilid ng reclining chair, nakahanda na rin ang mga karayom at cannula para ikonekta sa braso niya.
"Mr. Zach, may pinadalang email ang management ng HMU kagabi na isasara muna ang school . . ." mahinang sinabi ni Mr. Xerces na nanonood lang kay Rayson sa ginagawa nito.
"Asawa ko ang nag-utos," sagot ni Josef at nilingon ang kanan niya kung saan natutulog sa mahabang couch ang estudyanteng nag-trespass sa bahay nila. "May emergency lang kasing nangyari."
"Nabalitaan kong pinasabog daw yung bahay n'yo. Nadaanan namin kanina bago tumuloy rito sa mansyon."
"Well . . ." Hindi na lang umamin si Josef na sila rin naman ang may pakana niyon. "Nangyari na."
"Safe naman yung mga anak n'yo?"
Napaangat na lang ng mukha si Josef at dahan-dahang tumango. "Pinalipat muna namin sa ibang bahay."
Lalo pang inobserbahan ni Mr. Xerces ang reaksyon ni Josef. Sobrang kalmado nito. Iniisip niyang kung bahay niya ang pinasabog, malamang na hindi siya makakakilos na parang walang nangyayaring masama. Inilipat niya ang tingin kay Armida. Kapaposas pa ang pulsuhan nito sa reclining chair. Gusto sana niyang magtanong kung bakit kailangan pa itong iposas samantalang sasalinan lang naman ito ng dugo.
"Jin, magsabi kung may nararamdaman kang kakaiba. Susubukan kong bigyan ka ng pampakalma," paalala ni Rayson.
"Yeah," simpleng sagot ni Armida at inilipat ang tingin kay Josef na nakatitig lang sa kanya. "For sure, pagdating sa Citadel, aasikasuhin na ni Cas si Max. Hindi naman magtatagal ang balita, ipakukuha niya yung anak ko rito."
"Kinakabahan ako kay Max," tugon ni Josef. "Ayaw niya yung posisyon. Mas matigas pa yung ulo ng anak mo kaysa sa 'yo. Sana lang hindi niya pahirapan si Cas."
Nakikinig lang ang dalawang doktor na kasama nila. Kilala nila si Max, pero hindi nila kilala ang tinawag nilang Cas.
"I can't remember the last transfusion," sabi na ni Armida kay Rayson. "Nagpalit ako ng alter last time, right?"
"Yes," simpleng sagot ni Rayson.
"If I remembered it right, unconscious ako. I guess, that's the reason why lumabas si Erah." Inilipat niya ang tingin kay Josef. "If I remain awake, I don't need any neuroleptics."
"That's better," sagot ni Josef.
"I'll call Kevin later, ipapa-track ko si Arjo. Kung si Marlon ang nakakuha sa kanya, mas maganda."
"Nawawala si Arjo?" nagtatakang tanong ni Rayson sa mahinang boses.
"Lumabas sila ni Zone bago ang pagsabog. For sure, nakuha na sila."
BINABASA MO ANG
Hunting Project: ARJO (Book 8)
ActionWala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Nagunaw ang mundo nya sa pagkawala ng buo nyang pamilya Ngayon, magbabayad ang dapat magbayad. Maniningil na sya ng pagkakautang ng may atraso sa kanyang buong pamilya...