24th Hunt: The Great Escape

4.4K 183 11
                                    

A/N: nagugulat ako, hanggang ngayon, may nagtatanong pa rin kung bakit ako nagre-revise.

Wattpad star na kasi tayo, gaiz, bawal na akong maging jeje. Again po, puwedeng basahin both books, the old version na downloadable sa The New-ly Weird group as ebook, and the revised version dito sa Wattpad. Yun lang, enjoy reading sa new version, tengkyu!


*****



Tanghali at dinig na nila ang kanya-kanyang kalam ng sikmura. Nakaantabay lang sila sa may bangin. Malawak roon at tama lang para paglapagan ng skycrane. Wala pa rin silang nakikitang ibang player na napapadpad sa bahaging iyon na talagang ikinatataka nila.

Nakasimangot si Ran habang nakatanaw sa langit at nakapatong ang nakalahad na kamao sa may noo. Wala pa ring skycrane o kahit anong lumilipad na bagay sa langit. Nakakakita siya ng ilang barko mula sa malayo pero walang patungo sa direksyon nila.

"May hanggang bukas pa naman tayo para maghintay," paliwanag ni Laby sa kanila na naglalakad-lakad lang doon.

"Sumali ka ba rito dahil wala na sa 'yo ang Jaegar?" seryosong tanong ni King kay Illyck. Nakaupo lang ang dalawa sa isang bumagsak na troso at doon nag-aabang ng susunod na mangyayari.

"Inisip talaga ng lahat na magkakasundo kayo Reese kaya ko ibinigay ang Jaegar," kuwento nito at naniningkit ang mata habang pinagmamasdan ang asul na langit. "Sinubukan ko namang isalba ang underground, pero masyadong mahirap kalabanin ang mga taong hindi mo alam kung magkakakampi ba o hindi."

"Naibigay ko naman ang tulong na kaya kong ibigay," katwiran ni King. "Hindi ko lang kayang kontrolin ang ayaw magpakontrol, lalo pa't kaibigan ng kapatid ko si Hawkins."

"Hindi ka naman nagkulang," sagot ni Illyck. "Nataon lang na nagkagamitan ng koneksyon, at naibenta ko na ang Jaegar para lang mabili ang Project ARJO—na wala ring saysay dahil naunahan ako ng mga Zordick."

Napakunot ng noo si King dahil sa narinig. "Hindi mo naman ibinenta sa mga Hawkins ang Jaegar. Si Reese naman ang nakakuha. Paanong koneksyon ang nagamit?"

"Kinontrata na ni Xerez si Sav." Napailing si Illyck. "Kilala ko ang mga Devero, lalo na si Giuseppe. Mas natatakot ako sa kanya kaysa sa mga Zordick at Zach."

"Pero si Lolli na ang nakontrata para pumalit sa kanya bilang si Xerez. Ano'ng gagawin ng fighter mo sa Citadel?" takang tanong ni King.

"'Yon ay kung si Lolli nga ang papalit. Alam nating pare-pareho na mas mahigpit pa ang pag-filter sa mga Guardian kaysa mga Superior. Puwedeng maging Superior ang kahit sino; pero ang mga Guardian, hindi. At hindi lumalapit sa tao nang walang dahilan si Xerez." Tumayo na siya at nagpagpag ng pantalon. "May paparating."

Nagkanya-kanya na silang atras nang makakita ng lumilipad na bagay mula sa malayo. Mabilis silang nagtago sa mga puno at inabangan kung lalapag ba roon ang paparating na sasakyang panghimpapawid.

Malalayo ang distansya na sa isa't isa. Nagkakasensyasan na kung saan tutungo, ano ang susunod na gagawin, kailan lalabas at magpapakita.

Nakasilip sila sa malaking katawan ng puno bago ang malawak na lupang bahagi ng bangin. Papunta nga sa direksyon nila ang mas malinaw nang skycrane na may bitbit na malaking cargo vessel na malamang ay para sa mga player. Inabangan nila iyong lumapit sa kinaroroonan nila ngunit habang papalapit iyon ay napansin nilang pababa ito nang pababa sa direksyon ng tabing-dagat.

Napalabas tuloy sila sa pinagtataguan at napatungo sa kanang gilid na hindi pa nila nadaanan pagpunta roon.

"What the fuck is happening?" inis na tanong ni King nang mabilis nilang tinakbo ang kanang bahagi ng bangin. Natatakpan iyon ng makakapal na halaman na pinagtatagpas nina Illyck at Smoker gamit ang mahahabang bolo na armas nila sa paglaban sa gubat.

Hunting Project: ARJO (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon