Tatlong araw matapos ang pagsabog ng bahay ng mga Malavega at unang araw matapos ang panunumpa ng bagong Fuhrer . . .
Nakataas lang ang kilay ni Jocas sa likod ng one-way mirror kung saan nakatitig siya sa isang binatang nakuha nila sa isang townhouse sa bayang malapit sa warzone. Nakatulala lang ito sa isang metal table na kaharap. Bugbog ang kaliwang pisngi nito, halos lumuha ng dugo ang kaliwang mata, at duguan din ang katawan na siya rin naman ang may gawa.
"His profile said he was sixteen," sabi ni Jocas sa mag-asawa.
"Too young?" tanong pa ni Jin.
"Nah," umiling si Jocas. "With that face, I doubt he's an ordinary kid." Tiningnan niya si Jin. "Ni hindi nga umiyak at nagmakaawa."
"Well . . . birds of the same feather can identify each other."
Sinundan lang nila ng tingin ang mag-asawang pumasok na sa loob. Mukhang simula na ng masinsinsang usapan.
"Sinabi mo ba kay Milady na 'yang bata yung mastermind ng kidnapping?" usisa ni Jin.
Umiling naman si Jocas. "Malalaman din naman niya 'yan."
Nagusot lang ang dulo ng labi ni Jin at tumango na lang para sabihing wala rin naman siyang pakialam kung alam ni Armida ang tungkol doon.
"Bakit hindi mo na lang din ako pinatay?"
"Kid, alam mo kung ano'ng mga ginagawa ng magulang mo, di ba?" tanong ni Armida. "Isa si Eduard Jacobs sa bibili ng anak ko, alam mo ba 'yon?"
Sumandal si Jocas sa salamin at sinilip ang relo. "Ang sinabi ni Milady, pupunta tayo sa Lais. That's a warzone now."
"Yes," sagot ni Jin na nanonood sa interrogation sa kabila ng bintana.
"Ano pang gagawin niya r'on, wala naman na siyang mapapala r'on?"
"If I'm not mistaken, hahabulin niya yung magulang ng bata."
"Ite-trade niya kay Arjo."
Tumango si Jin. "Probably yes."
"E kahit naman makuha niya yung batang 'yon, wala pa rin sa kanya yung custody. Kukunin pa rin niya sa Citadel. Nag-aaksaya lang siya ng lakas diyan."
Napailing na lang si Jin. "She said she'll fight soon. Next week na ang start ng Annual Elimination." Sinulyapan niya si Jocas. "Nagising na rin si Ana. Ano ba talagang binabalak mo?"
Ngumisi lang si Jocas at umayos na ng tayo. "That kid can manipulate people's mind. Stronger than you, Jinrey."
"At gagamitin mo rin kay Milady?"
"Sinong may sabing sa kanya?"
Napakunot ang noo ni Jin sa sinagot ng kausap. "Sino na naman 'yang sisirain mo ang buhay?"
"Mamamatay na rin naman si Milady, wala na 'kong mapapakinabangan sa kanya. Pero doon sa guild, meron pa. Sasali rin ang ibang Superiors. Mas madaling ma-infiltrate ang Citadel kapag nandoon na tayo sa teritoryo nila."
Napaangat ng mukha si Jin nang banggitin iyon ni Jocas. "I thought, we're done with our Isle issues. Jocas, hindi ko gusto 'yang pinaplano mo."
"Hindi ko rin naman tinatanong kung gusto mo," mataray na sinabi ni Jocas sabay irap kay Jin. Tumalikod na siya at naglakad patungong pintuan. "Pakitawag na lang ako kapag tapos na sila. Magmemeryenda lang ako."
Napabuntonghininga na lang si Jin sa narinig. Sobrang delikado ng Zone Prototype na kahit siya, hindi ito kayang kontrolin. Kinakabahan siya sa pinaplano ni Jocas. Sa ngayon, kakampi pa nila ito. Pero oras na matapos ang kasunduan nila sa mag-asawa, malamang na maniningil na ito ng utang na loob.
BINABASA MO ANG
Hunting Project: ARJO (Book 8)
ActionWala na ang pinakamatinik na magnanakaw. Wala na ang pinakamagaling na manunubos. Nagunaw ang mundo nya sa pagkawala ng buo nyang pamilya Ngayon, magbabayad ang dapat magbayad. Maniningil na sya ng pagkakautang ng may atraso sa kanyang buong pamilya...