22nd Hunt: The Awakening

4.8K 185 12
                                    


A/N: Alam n'yo bang sa original outline dito sa Wattpad, pang-8th Hunt pa lang ito hahahaha

Mukhang hahaba itong HPA kesa sa inaasahan ko, o mababawasan. Iniisip ko kung paano ko papatayin yung mga dapat patayin dito hahaha


****



Ikalawang araw ng Kill for Will Tournament . . .


Ibinaba sa iisang lokasyon sina Marlon, King, at Keros. Sa may daungan malapit sa burol, kasabayan nila ang iba pang mga player na kasali. Nakanya-kanya silang direksyon at kapansin-pansin na hindi mga agent ang kasama nila kundi mga player na may sari-sariling sponsor na hindi suportado ng Citadel.

Sanay sa pakikipaglaban si King, malas lang ni Keros dahil sumali ito kahit hindi ito siguradong makakatagal. Kaya noong nagkrus ang mga daan nila, isang ligaw na bala lang mula sa ibang nagsusuguran ang tumama sa noo nito na nagpadismaya kay King.

Napangiwi pa siya habang nakatingin sa nakahandusay na katawan nito dahil iyon na yata ang pinakawalang kuwentang eksena sa isla na namataan niya. Gusto pa naman sana niyang makaganti rito kahit isang malakas na sapak lang, pero wala na rin namang saysay kung patay na ito.

Ang lakas ng ulan, maging ng hampas ng hangin sa unang araw. Halos hindi sila makadilat nang maayos dahil sa malalaking patak ng ulan, at bumaba rin ang visibility sa puwesto nila. Kaya laking gulat ni King nang maging maaliwalas ang langit sa ikalawang araw nila sa isla. Hindi siya makatulog. Maliban sa basang-basa siya at puro na putik, nakasandal lang siya sa isang bumagsak na malaking puno. Magkamali lang siya ng idlip at mahuli ng gising, malamang na patay na siya bago pa siya makabunot ng baril.

Madaling-araw, nangangasul na ang langit. Maaga siyang umalis sa puwesto at binabantayan ang paligid sa mga posibleng sumugod. Doon ang tungo niya sa direksyon kung saan niya huling narinig na lumapag ang skycrane.

Ang alam nilang plano, darating ang skycrane na may mga Guardian para kunin ang mga katawan ng mga namatay. Ang ikinatataka niya, walang Guardian na nakakalat para gawin ang nakaatas na trabaho sa mga ito. Nakakaramdam siya ng mali sa mga nangyayari. At kung pinaglalaruan lang sila sa labas ng mga naiwang Superiors—na sa isip niya ay si Sam lang naman ang baliw na gagawa ng ganoon—uunahan na niya sila. Hindi siya makikipagpatayan sa maraming player kung alam niyang dumudumi na ang laban.

Naririnig na niya ang lagaslas ng tubig sa di-kalayuan. Sinundan niya ang pag-agos ng tubig sa dinadaanang masukal na gubat.

Wala siyang alam kung anong oras na ba, ngunit alam niyang malapit nang sumikat ang araw. At wala pa siyang nakikitang player sa paligid. Mas gugustuhin pa niyang may makalabang iba, kaysa isiping wala nang taong natira sa isla maliban sa kanya.

"Actually, we tried to manipulate the game. And this place have no cameras around."

Napatago sa isang puno si Ran nang marinig ang boses sa kung saan.

"So, they're not expecting us here?"

"Yes. Kasi kapag nilagyan namin 'to ng camera, makikita ng mga sponsor ang hindi nila dapat makita."

Inaninag ni King ang mga taong naglalakad sa di-kalayuan. Dahan-dahan pa siyang lumapit habang nakayukod para hindi siya mapansin sa likod ng mga halaman. Wala pang sampung metro ang layo niya sa mga nag-uusap nang maaninag kung sino-sino ang mga nilapitan.

"Li? Etherin?" bulong niya. Lalong kumunot ang noo niya at tahimik na sumunod kina Laby.

Papasikat na ang araw, at talagang wala pang napapadpad na ibang player sa parteng iyon ng burol kung saan may mabangin nang bahagi.

Hunting Project: ARJO (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon