5th Hunt: Order of Revocation

5.4K 212 18
                                    

Tandang-tanda pa noon ni Max kung paano ipaliwanag sa kanya ng mama niya ang tungkol sa Criminel Credo. Seven years old siya noon. Kung tutuusin, dapat nga ay naglalaro lang siya. Pero siya rin naman ang may gustong hindi maglaro. Gusto lang niyang magbasa nang magbasa.

Ang daming kuwento sa kanya noon ng mama niya.

Limang taon siya noong una niyang nakita ang papa niya sa lobby ng Meurtrier Assemblage: HQ branch. Kapag nakukuwento nga iyon sa kanya ng Uncle Raz niya, tawa lang ito nang tawa. Hindi kasi siya napalayas ng Fuhrer sa puwesto dapat nito. At mas lalong natatawa ang mama niya kapag nagrereklamo si Josef na kape lang ang natanggap nito nang araw na iyon samantalang siya, hinainan pa ng maraming pagkain.

Tandang-tanda pa noon ni Max na ang araw ng una nilang pagkikita ng ama ay hindi rin naman ang unang araw na nakasama niya ito.

"Max!"

Ang ingay ng sigaw ng mama niya sa lobby, parang naghahamon ng away sa lahat. Tumayo siya sa inuupuan at sinilip ang mama niyang nagmamadali sa paglapit sa kanya.

"Mama, you're so loud!"

Natatandaan pa niyang tawa nang tawa ang mga agent sa lobby dahil sinesermunan niya ang mama niya—ang pinakakinatatakutang agent sa lugar na iyon.

"Did you finish your book, Soldier?" inis na tanong ng mama niya.

"No, I didn't! I want a book with Mauritius on it!"

"Young lad, your Mauritius is too small to be seen. Come here." Lumapit siya sa mama niya at binuhat siya nito. "Did you talk to that man?" tanong nito sa kanya habang tinuturo ng tingin ang papa niya.

"Yes, Mama," pag-amin niya. "He's the Fuhrer I was talking about."

"Yes, he is. Now, we're gonna go home."

Nang araw na iyon, hindi naman umamin ang mama niya na ang Fuhrer nga ang papa niya. Umuwi sila ng mansyon, bumalik sa normal nilang buhay, at nakuha niya ang malaking World Geography book na may Mauritius na.

Limang buwan pa ang inabot bago niya nakita ulit ang lalaking tinawag niyang Fuhrer. Pero sa Citadel na niya ito nakita. At tama nga ang sinabi niya, iyon ang papa niya. Hindi naman nilihim ni Armida sa kanya ang tungkol kay Josef. Kaya nga kapag naghahanap siya ng ama dahil nakikita sa mga kasama sa preparatory school, lagi nitong sinasabi na working abroad ang papa niya at may five-year contract sa isang exclusive company. At maging ang ibang kalaro niya, mga guro, o kahit ang co-parents ni Armida ay alam iyon. May mga picture naman kasi siyang nakikita na mama niya rin naman ang nagpapakita sa kanya.

Akala niya, ganoon lang iyon kasimple.

Hanggang sa biglang nawala ang mama niya. Napunta na naman siya sa Citadel noong labing-apat na taong gulang siya. Nagbago ang lahat sa puntong iyon.

Walang simple sa buhay nila.

Habang patagal nang patagal, lalo lang nagiging komplikado para sa kanya ang lahat.

Madalas ay buong araw na nasa Citadel Control System (CCS) si Cas. Ito ang huma-handle sa monitoring ng buong Citadel sa halos lahat ng external affairs ng Order maliban sa mga Guardian sa Oval. Pero sa gabing iyon, sinabi ng mga Guardian na naroon daw ang lola niya sa hardin at nagpapahangin. Kaya mula sa seventh floor ng malaking kastilyo, napababa pa tuloy siya palabas ng Citadel kahit gabi na.

Bihira siya lumabas ng Citadel mula nang makatapak siya sa lugar. Maliban kasi sa nakakapagod maglibot, ayaw niyang mag-aksaya ng oras sa dami ng kailangan niyang asikasuhin. Pero aaminin niyang parang isang lugar sa fairytale ang hardin ng Citadel. Napakalaki kasi at maraming bahagi. Isang mahabang brickroad ang nilakad niya kung saan siya itinuro ng Guardian na napagtanungan.

Hunting Project: ARJO (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon