2nd Hunt: The Projects

7.9K 254 33
                                    

Slow-mo sa pagnguya si Arjo habang nakatingin sa lahat ng maid at butlers na nasa dining area na iyon. Ang daming nakahain sa harap niya na mukhang kaya nang pakainin ang sampung pamilya. Nakalulula rin ang mesa na pakiramdam niya ay kilometro ang haba, tapos siya lang ang mag-isa roong kumakain, nakasuot pa siya ng laced white dress na flowy. Para tuloy siyang ikakasal na prinsesa.

Ang lawak ng buong lugar, parang kahit yung bahay nila sa Vale, kasya na sa loob ng lugar na iyon na ang tanging laman lang ay ang mesang kinakainan niya.

"Kain kayo," aya niya sa mga nandoon na nakayuko lang at mukhang mas interesante pang tingnan ang mga paa nila kaysa sa kanya. Naghintay siya ng kahit simpleng no na sagot pero wala.

"Uhm . . . Excuse me—"

"Yes, Lady Josephine," pagputol agad sa kanya ng isang butler na nakaantabay sa kanang gilid niya.

Napangiwi tuloy si Arjo sa itinawag nito sa kanya.

"Uh . . . W-where am I?" tanong niya sa lalaking brunette.

"You're in the Zordick's palace, milady," sagot nito.

"Uh . . . Zordick's . . . palace?" asiwa niyang tanong.

"Yes, milady."

Saglit siyang natigilan.

Zordick. Gaya ng pangalan sa gate ng mansyon ni Erajin Hill-Miller.

"Good evening, Lady Josephine," bati na naman ng isang lalaki. Nakakunot ang noo ni Arjo nang tingnan ang nagsalita. Galing ito sa dulo ng malaking malaking dining area kung nasaan siya at diretsong-diretso ang katawan habang naglalakad papalapit sa kanya. Nakasuot ito ng black suit and bowtie.

Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Finish your food, milady," paalala nito. "You need to regain your strength."

Unti-unting nawala ang pagtataka ni Arjo at napalitan ng pagkabilib habang tinitingnan ang lalaki habang nagsasalita ito. Pakiramdam niya, nakakita siya ng anghel. Wala na tuloy siyang ibang nagawa kundi ang mapanganga at matulala rito. Inobserbahan niya ang itsura nito. Napakakinis ng balat nito sa mukha, may kaputian at napakatangos ng ilong. Ang amo pa ng boses nito, at tingin niya ay hindi pa ito ganoon katanda. Tantiya niya, sampung taon lang ang tanda nito sa kanya. May kinuha itong puting notes sa bulsa ng coat at binasa para sa kanya.

Nakatulala pa rin si Arjo sa kanya at hindi na nagawa pang isubo ang kinakaing steak.

". . . that's your schedule for tomorrow. I'll be your personal butler, milady, and you're free to ask for everything," anito sabay ngiti. Nagpakita ang ngipin nitong may kalakihan ang dalawang ngipin sa harapan pero mas lalo itong naging cute kapag ngumingiti.

"W-What's your name again?" Iyon na lang ang naitanong ni Arjo habang nakatulala sa personal butler daw niya.

"Jean Freidrich, milady."

Napatango na lang si Arjo habang nakatulala pa rin sa butler niya.

"Jean. Wow." Tumango-tango pa si Arjo habang wagas makangiti sa personal butler niya. "Are you an angel?"

Lumapit pa si Jean nang bahagya sa kanya. "Pardon, milady?"

"Ha? Ah—Ay!" Tinakpan na lang ni Arjo ang bibig gamit ang table napkin at saka umiling para sabihing wala siyang sinasabi. "Nothing, nothing!" Itinuro na lang niya ang pagkain. "Want to eat with me?"

Ngumiti na lang si Jean at saka yumuko. "Thanks for the offer, milady, but I'm afraid I can't do that."

"Why?"

"We're not allowed to do so," magalang nitong sinabi. "After your meal, I'll take you to your room."


Hunting Project: ARJO (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon