8th Hunt: Different Faces of Evil

5.2K 211 17
                                    

Dalawang araw matapos ang pagsabog ng bahay ng mga Malavega . . .



"I asked for Erah and Jin's presence," paalala ni Armida kay Jocas. "I'm not sure sa location nila ngayon, pero sabi ni Erah, hahanapin nila tayo two or three days from now. Si Jin lang ang naiwan dito."

"Whatever, bitch. I just want the kid," mataray na sagot ni Jocas.

Sinulyapan ni Josef si Jocas sa backseat ng sinasakyang kotse. Nag-f-file lang ito ng kuko sa kamay. Nawiwirduhan siya rito. Itim na tube na dibdib lang ang natatakpan saka leather jacket lang ang pang-itaas nito. Ipinares sa ripped shorts at fishnet stockings saka fur boots. Makapal din ang makeup nito at parang magpa-party sa club.

"This is really weird," mahinang sinabi ni Josef at ibinalik ang tingin sa daan.

Katatapos lang utusan ni Armida ang assistant niya sa Grei Vale para asikasuhin ang bidding tungkol kay Arjo. Eksaktong birthday pa ng panganay niyang anak na si Max. At gaya ng report ng Decurion niya, manunumpa sa araw na iyon si Max bilang bagong Fuhrer.

Ipinarada ni Josef sa parking lot ng isang mall ang sasakyan. Pagbaba na pagbaba nila, sinulyapan niya agad si Jocas na tamang suot lang ng aviator shades at bitbit ng Gucci bag sa kaliwang braso. Tiningnan niya agad ang asawa na naglalakad papunta sa dulong kanan nila.

Bahagya siyang nagulat dahil nasa yellow pages ang phone number ng mga Kingley. Kung alam lang niyang buhay pa ang mga ito, sana noon pa niya ito kinausap.

Pinauna na niya si Jocas sa paglalakad at halos mapangiwi siya dahil panay ang hawi nito sa buhok at salamin pa nang salamin sa phone na nakabukas ang front camera.

Alam niyang may pagka-vain si Jocas, pero ang alam niya, si Erah nga si Jocas sa katawan ng asawa niya. Pero mukhang kahit ito, isa ring mataas ang vanity level sa katawan.

"Milady."

Nalipat ang tingin ni Josef sa harapan nila. Tirik na tirik ang araw at halos makita na sa malayuan ang heatwave, pero nakuha pang mag-black long dress ng babaeng pasalubong sa kanila. Magkapatong ang magkabilang kamay nito sa may tiyan at parang dama kung lumapit sa kanila.

"Hey, Jin!" maangas na pagbati ni Jocas. Mukhang kasundo naman nito si Jin sa kanilang apat.

"Jocas."

Hindi tuloy alam ni Josef kung goth lang ba talaga si Jin o mahilig lang sa itim at kahit anong magpapaangat sa pagiging gloomy ng aura nito.

Kinikilabutan siya rito, para kasi itong miyembro ng kultong nag-aalay ng kaluluwa sa demonyo.

"May kinakausap lang si Erah sa kabilang kontinente. Babalik din siya makalipas ang dalawang araw," paalala ni Jin habang iniisa-isa sila ng tingin.

"Kanina ka pa ba naghihintay rito?" kaswal na tanong ni Armida.

"Alam ko kung anong eksaktong oras kayo darating kaya sinabayan ko lang ang oras n'yo." Inilipat ni Jin ang tingin kay Jocas. "Nagpapasalamat akong wala ang kapatid ko ngayon. Mababawasan ang ingay sa paligid."

Kumunot agad ang noo ni Josef sa sinabi ni Jin. Halatang kahit ito, ingay na ingay talaga kay Erah.

"Did you have your lunch?" tanong ni Armida.

"Not yet," simpleng sagot ni Jin.

"Sabay-sabay na tayo, di pa rin kami kumakain."




Malamig sa loob ng restaurant, maganda ang dining area, pang-animan ang mesang kinuha nila. Malambot ang couch, magkatabi ang mag-asawa at sina Jin naman sa kabila. Katapat ni Armida si Jocas, si Jin naman kay Josef.

Hunting Project: ARJO (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon