13th Hunt: Battle Cry

2.2K 117 26
                                    

Dahil isla sa ibaba ng Pasipiko ang kinalulugaran ng isla, hindi na nagtaka sina Josef nang pagdilim ay biglang umulan nang malakas. Malakas ang hangin, parang may bagyo. Dinig na dinig ang paghampas ng ulan sa bubong ng quarters. Walang ilaw roon kaya gumawa si Aspasia ng gawa-gawang camp fire gamit ang kalawanging kaserola mula sa mess hall.

"I can't imagine kids being trapped here," sabi ni Smoker habang hinahanda ang mga armas na gagamitin niya kinabukasan. "Sikat yung Isle dati saka yung kidnapping scheme ng mga bata."

"Hindi naman lahat ng batang nakapasok sa Isle, na-kidnap," sagot ni Mephist. "Most members of Elites, trained na to enter this island. Nagpapa-verify lang kami."

"I was kidnapped," kuwento ni Jocas. "But not the kind of kidnapped na puwersahan. I'm just curious."

"We were the last kids to enter," dugtong ni Erah. "Jocas, Jinrey, and me."

Para silang magkakaibigang nag-ca-camping lang sa loob ng quarters. Lalong tumitindi ang lamig habang papalakas ang ulan at hangin.

Nakaupo sa unang double deck si Smoker at nakikiupo sa higaan niya si Erah para manood sa ginagawa niya. Si Jocas, komportable lang na nakahiga sa katapat na double deck. Si Jin, palakad-lakad lang sa aisle na parang may hinahanap sa kisame. Nagtutulong naman mag-assemble ng baril sina Razele at Mephist. Si Aspasia, tahimik lang at natutulog na sa itaas lang ng higaan ni Jocas. Si Illyck, nakatunghod sa sahig, nakaharap lang sa apoy, at maya't maya kung magdagdag ng kahoy roon para hindi agad mawala ang alab. Katabi naman ng higaan ni Smoker ang double deck ng mag-asawa. Naka-indian seat lang si Armida at nakasandal sa dibdib ng asawa niya, habang si Josef naman ay nakapatong ang baba sa balikat ni Armida habang pinaglalaruan ang wedding ring nitong suot-suot.

"Paano pala kayo nakalabas dito?" usisa ni Razele kay Erah na isa sa nakakaalam ng psychological status ni RYJO. "Akala talaga namin patay na kayo."

"Yeah, Erajin's kept on chanting your names after she went out of this place," sabi ni Mephist. "Unang salitang narinig namin sa kanya, Erah and Jin. We really thought that's her name."

"Hindi na 'ko nagtaka," sagot ni Jocas at napabangon saka sumandal sa pinagpatong-patong na mataas na unan. "That first abolition was a total mess." Itinuro niya si Armida na kasalukuyang nakikinig. "She messed up everything."

Lahat sila ay nagtinginan kay Armida na takang-taka sa usapan. "Trust me when I say I can't remember anything about that."

"She's messed up until now," katwiran ni Razele sa lahat na parang matagal nang ganoon si Armida kaya hindi na sila dapat magtaka. "Aside from her being the loose cannon, how?"

"May plano naman na kasi dati na tatakas kami sa First Abolition," kuwento ni Erah. "Si Jinrey ang nakaalam na may darating na chopper sa burol. Planado na 'yon. Even Daniel agreed to that plan."

"But as usual, the weakest link jammed the perfect plan," naiinis na dinagdag ni Jocas. "Nagkagulo yung team nina Gabril. Dan's wreaking havoc finding her milady in the middle of chaos." Itinuon niya ang tingin kay Armida na parang naninisi pa. "I needed to save your bloody ass because I was that friendly kid who believed that we could be good friends in this fucking hell."

Matipid na ngumiti si Armida kay Jocas. "That was sweet." Tumango pa siya. "Thank you for extending my desolation."

"Jin and I managed to escape," pagpapatuloy ng kuwento ni Erah. "Nakasakay kami sa chopper. Nakatulog lang kami, paggising namin, nasa loob na kami ng chamber."

"Chamber . . . ?" nagtatakang pag-uulit ni Illyck.

"We're part of Project RYJO," sagot ni Erah. "Hindi namin alam kung gaano kami katagal sa chambers, but we were able to see everything."

Hunting Project: ARJO (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon