21th Hunt: Last Will

5.8K 197 16
                                    

Sa isla . . .


Madaling-araw, tumila na ang ulan, nauna nang lumabas ng talon sina Razele at Mephist para paghandaan ang bago na nilang misyon—ang kumbinsihin ang ibang player, lalo na ang mga agent nila na huwag nang lumaban.

Ilang minuto lang din at umalis na sina Ran para tunguhin ang isang bahagi ng isla kung saan lumalapag ang skycrane at likuran iyon ng kapatagang karugtong ng talon. Mas malayo kung tutuusin kaya kailangang simula na ang paglalakad.

Naiwang nagbabantay sa labas ng talon si Aspasia habang nasa loob pa rin ang buong pamilya nina Armida at pilit sinasalba ang kakarampot na apoy dahil paubos na ang panggatong nila.

Alas-kuwatro pasado at bahagya na silang nakakaidlip nang biglang maalimpungatan. Napalabas agad sila ng mga armas dahil wala namang kalaban.

"Haagh—!" Napabangon agad si Erah at naghabol ng hininga habang pinandidilatan ang harapan.

"Erah!" gulat na pagdulog ni Armida at nilapitan ang babae saka tumalungko sa tabi nito. "What happened?"

"She's been inside my memories," balita nito habang hingal na hingal at nagpupunas ng noong butil-butil ang pawis. "Para akong na-hostage sa loob ng utak ko. My god!"

"Where are the others?" usisa ni Armida.

Napapailing si Erah. "Jocas is finding Ana. Siya lang ang may kayang lumampas sa limit namin."

"And Jin?"

Napalunok si Erah at pinakalma muna ang sarili. "She's with Arjo. Wala siyang ibang makakalkal sa alaala ni Jinrey." Napasapo siya ng noo at bakas ang pag-aalala. "Pero hangga't hindi nakikita ni Jocas si Ana, hindi makakalabas si Jin sa Terminal. Magigising lang siya kapag nagising na si Arjo." Inilipat niya ang tingin sa mga mata ni Armida. "Kapag nakabalik na siya sa katawan niya."

Tiningnan nila sina Jin at Jocas na wala pa ring malay. "Fuck," inis na nasabi ni Erah at nasapo na naman ang noo.

"Where's Ana?" mabigat na tanong ni Armida. "Alam n'yo ba kung nasaan siya?"

Nagbuntonghininga si Erah at tiningnan si Josef na nakatayo sa likuran ni Armida at nakikinig sa usapan nila. "I'm not sure about the exact place, but . . ." Kagat-kagat niya ang labi habang nag-iisip ng sasabihin. "We wouldn't find Ana if the little boy is awake." Inilipat niya ang tingin sa mag-asawa. "Hangga't gising yung batang lalaki, hindi mapupunta sa Terminal si Ana. At maghihintay pa tayo nang matagal para makabalik sina Jin at Jocas dito."

Sinubukang kumilos-kilos ni Erah dahil bigat na bigat siya sa sarili. Bakas na bakas ang pag-aalala sa kanya dahil alam niyang mayroon silang malaking problema.

"We're trapped here in this island," paalala sa kanya ni Josef. "Ilalabas nila ang mga player mamaya o kaya bukas para ilipat sa ibang battleground."

"Wala naman akong pakialam kung trapped tayo sa islang 'to ngayon," sagot ni Erah habang nagsi-stretching. "Imposible namang wala kaming back up plan nang pumunta kami rito para sumama sa inyo."

Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa narinig kay Erah.

"Five days lang ang sinabi naming itatagal dito sa isla since we're given coordinates before we headed here. Visible ang tracking devices na meron kami ni Jin. Alam nilang hindi kami basta-basta mapapatay, o kung mamatay man, they will look for our body for insurance policy. Kaya kahit pa isang buwan ang itagal natin dito, meron at merong pupunta para i-rescue tayo."

Saglit na huminto si Erah para tingnan sila. "Kayo lang naman ang gusto nang mamatay, kami hindi. Lalo na si Jocas."

"So you're saying na . . ."

Hunting Project: ARJO (Book 8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon